CHAPTER 41

1.9K 33 0
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

February, 2003.

Umiiyak si Yzamira habang walang tigil sa pagmamakaawa sa asawa niyang si Ysmael. Ginagahasa na naman kasi siya nito.

"T-tama na please..." paki-usap ni Yzamira.

"You're only mine, Yza. Fucking mine..."

"Ysmael please...."

Pilit tinutulak ng dalaga ang asawa niya na hindi naman talaga niya mahal. Natali lamang siya sa isang kasal dahil sa adopted parents niya.

Ngunit di hamak na mas malakas ang lalaki kaysa sa kaniya. Sinikmuraan ni Ysmael ang asawang si Yzamira dahilan para mawalan ito ng malay at doon na niya sinimulang gahasain ang dalaga.

Nagising na lamang si Yzamira na wala nang suot na kahit ano. Walang nagawa ang dalaga kundi ang mapahagulgol na lang habang yakap-yakap ang sarili.

Hindi lubos maisip ng dalaga kung bakit ganito ang nangyayari sa kaniya. Gusto man niyang magsumbong sa mga umampon sa kaniya ngunit alam niyang hindi sila nito paniniwalaan.

Isang doctor si Ysmael Rivas. Magaling na doctor at scientist. Siya ay kaibigan ni Amiro Luther Avellano. Natapos ang pagkakaibigan ng dalawa ng malaman ni Amiro na nagpatayo ng asylum si Ysmael. Ayaw na ni Amiro na magkaroon ng kahit anong koneksyon kay Ysmael.

Pinutol mismo ni Amiro ang pagkakaibigan ng dalawa ngunit napuno ng galit si Ysmael at sinabing pagsisisihan ni Amiro ang ginawa niyang pagkalimot sa pagkakaibigan nila. Alam ni Amiro kung ano ang kayang gawin ni Ysmael.

Walang kaalam-alam si Yzamira na buntis na pala siya sa magiging unang anak niya. Alam ng Diyos na ayaw magkaroon ng anak ni Yzamira dahil alam niya na mahihirapan lamang ito at kung sakali man na mangyayari iyon ay hindi niya kakayanin.

Ayaw niya ring magka-anak kay Ysmael na isinusumpa niya na hinding-hindi niya mamahalin.

Ngunit mabilis ang takbo ng panahon, December 22 ay nalaman ni Yzamira na buntis siya at si Ysmael mismo ang ama.

Buong gabi umiyak si Yzamira noon, hindi dahil sa saya kundi dahil sa takot at pag-aalala. Alam din ni Yzamira na magiging mahirap ang aabutin ng magiging anak niya.

Sanhi man ng pang-gagahasa sa kaniya ni Ysmael ang anak niya ay hindi siya nagalit sa bata o nakaramdam ng kahit anong pagkamuhi, bagkus ay minahal niya ng sobra-sobra ang bata.

Akala niya na titigil na si Ysmael sa kasamaan niya kung malalaman niyang buntis si Yzamira ngunit nagkakamali siya.

Oo, natuwa siya. Natuwa siya dahil may magagamit siya sa binabalak niyang proyekto.

Isang proyekto na kayang burahin ang memorya ng isang tao. Proyekto na kayang palitan ang anyo ng isang tao at proyekto para maging isang psychopath.

Tinangka ni Yzamira na tumakas ng gabing iyon ngunit hindi siya nagtagumpay. Nahuli lamang siya ni Ysmael. Humingi rin siya ng tulong sa kaibigang si Serine ngunit wala rin silang nagawa.

Parehong nanganganib ang buhay ni Yzamira at Serine ng mga panahong iyon. Na-iintindihan naman iyon ni Yzamira kaya nangako siya sa sarili niya na magtitiis siya hanggang sa makakaya niya.

November 01, 2003.

Puno ng sigaw ang isang mansion na nagmumula kay Yzamira. Kasalukuyan siyang nanganganak sa panganay niya.

Siya lamang ang nagpapa-anak sa sarili niya sa basement ng mansion. Kahit magsumigaw siya ng sobrang lakas ay wala manlang naglakas ng loob na tulungan ang dalaga.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now