CHAPTER 25

2.4K 53 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Kunot-noo akong nakatingin sa pintuan ng opisina ni Professor Salazar dahil pinapatawag niya raw ako. Excused ako sa klase ni Professor Villar ngayon. Mabuti na lang at walang pa quiz ang propesorang 'yon dahil base sa expression niya kanina, mukha siyang galit.

Kakatok pa lang sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Castrelle na bagong labas lang ng office ng propesora. Hinintay ko siyang makalabas bago ako pumasok sa loob.

Akmang papasok na ako ng isarado niya ang pintuan at tinitigan ako. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko.

"You're in the debate club?" tanong niya pabalik sa'kin.

Nagtataka naman akong tumango.

She smirked. "Back off already," she said, voice low and unwavering, "The position of president isn't up for grabs. It's already mine." ngising saad niya.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Ay teh, kahit lunukin mo pa 'yang posisyon na 'yan, wala akong pake." inis kong saad.

Marahan ko siyang itinulak pagilid. "Tabi, dadaan ako." saad ko at binuksan ang pintuan.

Mukha namang nagulat si Castrelle sa ginawa ko at gulat na nakatingin lang ito sa kawalan. Akala niya siguro makikipag-kompetensya ako? Hindi na nga ako sasali sa debate club dahil ang dami ko nang ginagawa.

Oo, wala na akong balak sumali. Nakakainis lalo pa't nasa debate club din si Castrelle Lewis. Pareho kami ng course pero BSEd-2 siya. Balita ko rin na dakilang maldita rin ang babaeng 'yon.

"Why do you look so grumpy?" bungad na tanong ni Professor Salazar ng makapasok ako sa opisina niya.

Hindi pa man ako nakakasagot ay biglang may nagtanong na naman.

"Is she your girlfriend, Zam?"

Napatingin ako sa nagtanong at nakita ang isang matangkad at maganda na babae. She's wearing a pilot uniform. Paniguradong piloto siya dahil sa uniform niya.

Malamang.

She looks so cool wearing her pilot uniform. Idagdag mo pa ang tangkad at puti niya. Ang ganda niya.

"Yes," sagot ni Professor Salazar at tumayo upang lumapit sa'kin.

Nakanguso ako habang hinihintay ko siyang makalapit sa'kin. She tucked some strands of my hair na humaharang sa mukha ko. Naka-kunot ang noo niya.

"What happened? You look grumpy." tanong niya ay pinagpagan ang suot kong uniform dahil may mga alikabok.

Umiling ako. "I'm okay." sagot ko at muling ngumuso.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa isang babae kaya naman tumingin din siya sa isa. Nakatingin din samin ang babae na para bang kinikilig.

"You guys look cute and hot together." saad nung babae, ang laki ng ngiti niya.

"I know."

"Thank you."

Sabay naming sagot ng propesora at nagkatinginan sa isa't-isa. We both chuckled and she pinched my nose. "Silly." she said.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now