CHAPTER 47

1.7K 33 0
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nakatitig lang si Zamira sa isang libro habang nakangiwi.

Kasalukuyan pa rin silang nasa bahay ng mga Avellano dahil tinutulungan nila Serine at Amiro ang mag i-ina na palitan ang apelyido ng mga ito. Mahirap ang proseso at aabutin pa sila ng ilang buwan o kaya naman taon dahil may mga kailangan pang ayusin si Yzamira sa Pilipinas.

Patay na rin ang mga umampon kay Yzamira at tanging si Yzamira lang ang nabubuhay na Salazar. Kaya naman sa kaniya ipinamana lahat ng mga ari-arian ng mga Salazar.

Bago mamatay ang mag-asawang Salazar ay nagpadala ito ng sulat noon sa France kay Yzamira. Humihingi sila ng tawad sa dalaga at gusto nila itong makita at ang mga apo nila bago sila mamatay.

Ngunit dahil nga sa kalagayan noon nila Yzamira ay hindi ito nakapunta sa Pilipinas, kahit sa libing manlang ng dalawang Salazar.

Napatawad ni Yzamira ang mag-asawa. Kaya naman Salazar ang gagamitin niyang apelyido para sa kaniya at sa tatlo niyang anak.

Nagulat pa si Yzamira kung gaano karami ang ari-arian ng mag-asawang Salazar at mas lalong nagulat si Yzamira ng malaman din niyang kalahati ng ari-arian ay nakapangalan kay Zamira gamit ang apelyido na Salazar.

Umiyak sa tuwa si Yzamira. Hindi dahil sa mga kayamanan na iniwan sa kanila kundi dahil sa tuwa ng malaman niyang kino-consider pala ng mag-asawang Salazar na apo ang mga anak ni Yzamira.

Hindi akalain ni Yzamira na tanggap ng mga ito ang tatlong anak niya.

Si Zanaya at Zaniya ay mayroon ding hati sa ari-arian nila. Katulad ni Zamira at Yzamira, pare-parehong apelyido ang ginamit ng mag-asawa.

Salazar.

Kaya naman lalong nagpursige si Yzamira na mapalitan ang mga apelyido nila.

Hinding-hindi niya tatanggapin ang apelyido ni Ysmael.

Hinding-hindi sila magiging Rivas.

Wala nang makapitan si Ysmael dahil kahit ang dalawang kapatid niyang babae ay kinamumuhian siya ng malaman ang mga kahayupang pinag gagagawa ni Ysmael.

Galit na galit ang mga Rivas kay Ysmael kaya naman itinakwil na nila ito. Si Ythaliah Rivas at Ytheona Rivas ang dalawa niyang kapatid. Si Ytheona ay kakambal ni Ysmael.

Dahil doom ay lalong nagalit si Ysmael. Lalo siyang nagpupuyos sa galit at muli na namang nagpa-plano upang makaganti.

"The wicked will remain wicked, no matter how much you try to save them— for some souls are bound to darkness, choosing to drown in the shadows they've created, unwilling to reach for the light."

****

Year 2012.
(Manila, Philippines)

"Zanaya, come back here!" pagtawag ni Zamira kapatid.

Nasa mini garden ulit sila kasama si Serine at Yzamira. They're having a picnic.

"Catch me ate!" tumatawang saad ni Zanaya habang tumatakbo.

Huminto si Zamira kakatakbo at napasimangot ng makita niyang tinatawanan siya ni Serise.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now