CHAPTER 50

1.8K 31 1
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Year 2013.

Napuno ng iyakan ang isang kwarto ng sa hospital. Maririnig mo ang malalakas na sigaw ni Serine at ang mga iyak niya.

Namatayan siya ng asawa.

Maari ring mamatay si Serise sa mga oras na iyon.

Mahirap para kay Serine. Hindi na niya ang gagawin niya. Parang tuluyan na siyang susuko.

Sa araw ng libing ni Amiro, marami ang pumunta at nakilamay. May mga nalungkot at nasaktan sa pagkawala ni Amiro.

Pero walang mas hihigit sa sakit na mga nararamdaman ni Serine. Namatay ang asawa niya at kung hindi totoo ang himala, maari ring mamatay si Serise.

Hanggang sa mailibing si Amiro ay hindi ito umaalis sa tapat ng libingan ng asawa. Nasa tabi niya si Yzamira habang pilit na pinapatahan ang kaibigan.

"Ang duga mo, sabi mo ipapasyal pa natin si Serise sa Italy." iyak ni Serine.

"Pano na ako, Amiro? Pano kung pati si Serise ay mawala na rin sa'kin?" tanong ni Serine habang umiiyak.

Umiling siya. "Hindi ko kakayanin Amiro." iyak niya.

Hindi na siya makahinga ng maayos. Yakap-yakap lamang siya ni Yzamira na nagpapakatatag para sa kaibigan.

Si Zamira noon ay gising na pero tila paralisado ang bata. Nakatulala lang ito, na-aalala niya ang lahat.

Palagi itong nasa hospital room ni Serise, doon ito natutulog at nagpapalipas ng araw at gabi. Hindi mo siya mapapaalis doon.

Umiling si Serine, hinahampas ng mahina ang dibdib niya, pilit na pinapawi ang sakit na hindi naman kayang tanggalin.

"Hindi ko kakayanin, Amiro... hindi ko kaya..."

Bumagsak siya sa lupa, niyakap ang malamig na lapida, habang si Yzamira ay nakaluhod sa tabi niya.

Sa gitna ng luha at lungkot, isang pangako ang lihim na binuo ni Serine sa puso niya.

Hindi siya susuko.

Hindi siya papayag na mawala rin si Serise.

Kahit magdilim pa ang mundo niya, ipaglalaban niya ang natitirang mahal niya sa buhay.

Bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ni Amiro.

Siya mismo ang magkukulong kay Ysmael. Hawak ni Serine ang mga files na naglalaman ng mga ebedensya laban kay Ysmael.

Sa kaniya ipinatago ni Amiro ang mga files.

****

"How about this one?" tanong ni Yzamira habang nakanguso.

"Teh pati sa pagpili ng maleta isinama mo pa ako rito." reklamo ni Serine at napahilot sa sentido.

Natawa naman si Yzamira. "Maging mabait ka naman sa'kin, malapit na kaming umalis."

"Umalis ka na, ngayon na. Basta iwan mo si Zamira, mukhang walang balak sumama sa'yo." saad ni Serine at napangisi.

"Ikulong mo muna si Ysmael." usal ni Yzamira.

Serine smirked. "Malapit na."

Yzamira looked at her. "You already found him?" she asked.

"Ofcourse. I'm an Avellano for nothing." she said.

Yzamira clapped her hands. "Why don't you just kill him?" she asked and laughed.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now