CHAPTER 13

2.9K 71 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

"Amiselle Serise Avellano!" mariin kong tinakpan ang magkabilaang tainga ko ng marinig ang matinis na sigaw ni mama sa pangalan ko.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito ang nanay ko na nakapamaywang.

"Lalayas ako, hindi ka sasama?" tanong nito.

Umiling ako. Papikit-pikit pa ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.

"Aba naman! Bumangon ka na riyan Serise!" singhal ng shotgun kong ina.

"Ayaw."

"Isa!"

"Dalawa."

"Amiselle Serise Avellano!"

Kaagad akong napabalikwas ng upo ng kurutin niya ang tagiliran ko.

"Aray ko mother!" daing ko.

Humalakhak ito. "Hindi ka talaga sasama?"

"Paulit-ulit?!" usal ko.

Sinamaan niya ako ng tingin.

Ay, mama ko pala 'to.

"Ah, sumasagot ka na ha." usal nito at kinurot na naman ako sa tagiliran ko dahilan upang dumaing na naman ako sa sakit.

"Nakakarami ka na Aerielle Serine Avellano!" usal ko.

"Ah, full name basis tayo rito nak?" sarkastikong tanong nito sa'kin at inirapan ako.

Jusko, nanay ko ba talaga 'to?

Ito ba ang sinasabi nila na mahirap makipagtalo sa kaugali mo? Ramdam na ramdam ko na e.

"Oh siya sige, i'm not going to make you pilit." usal nito.

"Okay, alis na. Shoo!" pagtataboy ko sa ina ko.

Oh 'di ba? Para lang kaming mag-tropa. Napakagaling.

"Kapag ikaw hindi ko binilhan ng hotdog!" pananakot niya kaya napanguso ako.

"Wag ka namang ganiyan ma." malungkot kong saad at umakto pang nasasaktan.

"Gustong-gusto ng hotdog, bading naman." usal ni mama at inirapan ako habang natatawa.

Umayos ako ng tayo. "Personalan tayo rito, ma?" ngiwing tanong ko na ikinatawa niya.

Langhiya.

Napanguso ako pagkalabas ni mama. Minsan matino, kadalasan may saltik. Pak, nanay ko 'yan!

Nag unat-unat muna ako bago lumabas ng kwarto ko. Sabado ngayon at wala naman akong masyadong gagawin.

Napangiti ako ng makita ang pagkain sa lamesa na alam kong ihinanda ni mama bago siya umalis.

Mahal na mahal talaga ako ng mama ko. Nakaka-touch by touch.

May hotdog, adobong manok at kanin sa lamesa. Lalong lumawak ang mga ngiti ko ng makita ang dalawang bote ng dutchmill delight.

Yes!!

Umupo na ako para kumain dahil nga isa akong dakilang patay gutom na may binubuhay na sampong bulate sa loob ng tiyan ko.

Matapos kong kumain ay niligpit ko ang kinainan ko. Bumalik ako sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Saktong pag-upo ko ay tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag chat sa'kin. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa malapit sa kama ko.

GC : MASASARAP💞💞

Celestine masarap🥵🥵 :
Labas tayo guys😭🙏

Livia Amber :
I'll check my schedule

The Shattered Memories Where stories live. Discover now