CHAPTER 39

2K 46 2
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Nakatingin lang ako sa isang brown envelope na nasa harapan ko. Inabot sa akin 'to ni Amethyst bago niya ako ihinatid pauwi kanina.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Tatlong taon na pala ang nakalipas, ano bang nangyari sa'kin? Nagising na lang ako isang araw, kulang-kulang na ang na-aalala ko. Si Amethyst na dapat tapos na raw sana mag-aral pero huminto ng isang taon dahil sa depression at anxiety niya. Ang ibang kaibigan namin ay graduated na ng college at ganap nang guro sa high school.

Habang ako? Nandito, nahinto sa second year at kailangan kong makatapos.

Tumulo ang mga luha ko sa mga napagtanto ko. Tatlong taon ang nasayang ko. Babalik ako ng second year na dapat ay tapos na rin ako sa college.

Ang laking panghihinayang sa'kin pero bakit ang mama ko? Hindi siya nanghihinayang sa tatlong taon na nasayang ko.

Ipinatong ko ang brown envelope sa lamesa na katabi ng kama ko. I took my phone pero tanging pagtitig lang ang ginawa ko. Kahit kasi ang password ng cellphone ko ay hindi ko ma-alala.

Sa totoo lang, ang dami kong hindi na-aalala. Pakiramdam ko ang daming kulang sa'kin.

"Nak?" napatingin ako sa pintuan ng marinig ang boses ni mama at kumakatok.

"Pasok po." usal ko at pumasok naman ito.

"Umiiyak ka na naman." saad ni mama sabay punas sa mga luha ko.

Halos isang linggo na si mama na nasa kwarto ko, nananaginip kasi ako ng masama tapos pakiramdam ko totoong-totoo ang mga nangyayari sa'kin.

"Papasok ka na ba bukas? Kaya mo na ba?" tanong ni mama na bakas pa rin ang pag-aalala.

Tumango ako. "Opo, sayang ang tatlong taon ma." malungkot kong saad sa mama ko pero ginawaran niya ako ng matamis na ngiti at hinalikan sa noo.

"Wag kang manghinayang, push mo lang goal mo nak. Malay mo makahanap ka ng true love." usal ni mama at kinindatan ako.

"Mama naman, anong connect niyan?" tanong ko tinawanan niya lang ako.

Habang ako naman ay napa-irap dahil sa kalokohan ng nanay ko. Tatlong taon na akong natulog pero nanay ko, mas tarantado pa rin kaysa sa'kin.

"Oh siya sige, magpahinga ka na. Maaga kita gigisingin bukas ha?" usal ni mama at tumango na lang ako.

Hinalikan niya ulit ako sa noo at pisnge bago lumabas ng kwarto. Pero hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang mga nagbabadyang luha ni mama.

Anong meron?

Kina-umagahan ay maaga nga akong nagising dahil ginising ako ni mama. Alas kwatro pa lang ay nag a-almusal na kami ni mama at may kung ano-ano siyang kini-kwento sa'kin.

"Ay nak, alam mo ba...." ngising saad ni mama. "Bading ako." proud na saad ni mama at tumango lang ako.

"Alam ko ma," usal ko at umirap. "Oh sinong nabingwit mo ma?" natatawang tanong ko.

Ngiwi ang ibinigay sa'kin ni mama bago ako nginitian ng nakakaloko. Kita mo 'tong nanay ko, nababaliw na naman.

"Kapangalan ng tatay mo," tawa ni mama.

"Ano? Amira?" unang hula ko at napapalakpak naman sa tuwa ang nanay ko.

"Oo nak," sagot ni mama at tila kinikilig.

Itong nanay ko talaga.

Napuno ng asaran ang lamesa namin ni mama. Sabi ko sa kaniya na support ako sa pagiging bading ng ina ko.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now