AMISELLE SERISE AVELLANO
"Since you're the one I already know, I want you to check the attendance everyday." saad niya at na-upo sa swivel chair niya.
I nodded. "Is that all you want to say, Miss?" I asked in a polite way.
She stopped for a while and stared at me.
Miss, wag. Matutunaw na ako sa kagandahan mo.
"Are you a fan of Zanaya?" she asked and tilted her head like an innocent kid again!
She looks so cute! Argh.
Cutie Miss Salazar.
I shook my head. "I do love her voice and her songs but i'm not a fan of her po." I said. She raised her eyebrows on me.
"Fine, i'm a fan po but not like the type of obsessed fan." sagot ko. "I just love her voice po."
She scanned me using her green eyes and nodded.
"Good, I hate those jackass who's always asking for Zanaya's autograph on me." she said and rolled her eyes.
Hindi ba sila close ni Zanaya?
Close naman siguro, sabi nga nila don't cover the judge by its book.
Joke.
"May sasabihin pa po kayo?" I asked dahil may trabaho pa ako.
Sabihin mo yes.
She shook her head. "None, you can leave now." she said at malamig na tinapunan ng tingin ang laptop niya.
Dismayado akong lumabas ng office niya na nasa building 1 pa at saktong 10th floor!
Mas nakakagulat pa dahil office niya lang ang nandito sa 10th floor at walang pwedeng pumunta rito maliban na lang kung may permission ka sa kaniya.
"Mama, alis na po ako!" paalam ko sa ina ko.
She stared at me. "Hindi ka ba kakain?" she asked. "Maaga pa naman, Serise." saad ng ina ko.
Oo nga naman. Tsaka may hotdog sa table! Kyahh!
Ngiting-ngiti akong umupo sa katapat na upuan ng ina ko.
May chicken adobo at hotdog-na hindi nawawala sa tuwing kakain kami.
I love hotdogs!
Yung pagkain na hotdog ha.
Matapos naming kumain ng ina ko ay kaagad akong nagpaalam sa kaniya.
Taimtim akong nagdadasal na sana ay may jeep na dumaan sa may kanto namin dahil kung wala ay mapipilitan akong mag trycicle tapos ang mahal mahal ng singil nila!
80 pesos lang naman.
Nahiya pa gawing 100.
Napa-palakpak ako ng saktong pagdating ko sa kanto ay may jeep na dumaan. Puno iyon pero may space pa para sa dalawang tao kaya naman nakasakay ako.
May mga kasabayan akong estudyante, mga guro at mga galing sa gala or trabaho nila.
"Bayad po!" masiglang saad ko.
Tila nanlamig ang buong katawan ko ng may umabot sa inaabot kong bayad. Ang lamig ng kamay niya, pero ang lambot hehehe.
Mas lalo akong nanlamig ng makita ang nagtatakang tingin sakin ni Miss Salazar.
Yung Professor Yzariah Zamira Salazar ko.
Isang tao lang ang pagitan namin sa inuupuan namin.
"T-thank you po." saad ko ng inabot niya sakin ang sukli ko.
Lakas lakas pa ng pagkakasabi ko ng bayad po tapos nandito pala siya!
Pero hindi ako nahihiya kasi wala akong hiya.
"Para po." mahinhin na saad ng senior high student sa tabi ko na hindi narinig ng driver kaya lumampas ng kaunti ang babae.
"Kuya, para raw ho!" sigaw ko sa driver.
Hehehe si kuya, bingi.
Muntik akong masubsob sa katabi ko dahil sa biglaang pag-preno ng driver.
"Kuya, ano ba yan!" reklamo ng matandang babae.
"Thank you po ate!" saad ng mahinhin na babae sa tabi ko at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.
Nginitian ko rin siya pabalik bago siya bumaba. Kumaway pa ako sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya.
"Kuya, para po!" masiglang saad ko ulit at buti na lang ay narinig ako ng driver kaya huminto kaagad.
Ng makababa ako sa tapat ng Cia's Restobar ay nanlaki ang mata ko ng makita si Miss Salazar na naka-cross arms at nakatingin sakin.
Sinalubong ko ang mga berde niyang mata at balak sana siyang batiin pero inirapan ako nito at pumasok sa loob ng Cia's Restobar.
Nagtataka man ay pumasok na lang ako sa loob dahil may trabaho pa ako na kailangang gawin.
