CHAPTER 16

2.7K 57 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

"Ayoko na huhuhu." reklamo ko habang nag re-review. Pina-alalahanan kasi kami nila Professor Virelle at Professor Maeves na magpapa-quiz sila mamaya.

Nasa cafeteria ako kasama iyong tatlo na kumakain lang. "Teh, tama na yan." pigil sakin ni Sereida na natatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo ba nakikita ang nakalagay sa noo ko na invisible note na nagsasabi na bawal akong kausapin ng mga bobo?" saad ko.

"Hoy grabe ka!" sabi ni Sereida at hinampas ako sa braso.

Napanguso ako. "Kasi naman, bakit sabay pa sila." saad ko at naiiyak.

"Why the hell are you crying? You're smart." sabi ni Celestine at humigop ng ice tea niya.

"Mag review na kayo, magpapa-quiz lahat ng professors natin ngayon." sabi ni Kaia na may hawak-hawak nang notes.

Napangiti ako. "May kasama na ako! Wag kayong mangongopya samin ni Kaia my loves!" saad ko at lumipat sa tabi ni Kaia.

"Goodness Sereida! You're so makalat mag eat." reklamo ni Celestine habang nakanguso.

Sumama ang timpla ng mukha ni Sereida. "Hoy Kaida Celestine, natapon kaya yan!" pagtatanggol ni Sereida sa sarili niya.

Nagbangayan pa sila. Kami naman ni Kaia ay palong-palo sa pag re-review. Subukan lang talaga mangopya ng dalawang 'to mamaya at syempre papakopyahin ko pa rin sila.

"Kaia." tawag ko sa katabi.

Nag-angat siya ng tingin. "Ang ganda ni Professor Maeves 'no?" saad ko at nagpakita ng nakakalokong ngiti.

Si Professor Caliya Maxine Maeves ang tinutukoy kong propesora. Nakikita namin sila Professor Maeves at Professor Vargaz mula sa kinau-upuan namin. Bigla namang namula ang pisnge ng katabi ko. Inlove na inlove si bakla.

"Masaya ba siya maging girlfriend?" pabulong kong tanong.

Nginisihan ako ni Kaia. "Oo, araw-araw nga kaming—"

Nanlanki ang mga mata ko at hindi na siya pinatapos sa pagsasalita at hinampas siya ng mahina sa braso. "Hoy ano ba 'yan!" kunwaring kinikilabutan kong saad kay Kaia at tinawanan ako.

"Sus, akala mo ba hindi ko alam na crush mo si Professor Salaz—"

"Ang bunganga naman Kaia!" suway ko sa kaniya at tinakpan ang bunganga niya, hindi na siya pinatapos sa pagsasalita.

Waaaahh!

Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid kong may nakarinig ba samin. Hindi naman kami marinig ni Sereida at Celestine dahil nagsasagutan na naman sila. Si Amber at Amethyst naman ay magkasama sa D.O at hindi ko alam ang ginagawa nila doon dahil nagpasama lang si Amethyst kay Amber.

"Ilang taon na kayo ni Professor Maeves?" tanong ko.

"Malapit nang mag 4 years." sagot ni Kaia na ikinagulat ko.

4 years?! Ang tagal na pala talaga nila.

Hindi naman na ako nagtanong pa kay Kaia. Baka isipin niya ang dami kong tanong hehehe. Ang demure kaya nila tingnan ni Professor Maeves kapag magkasama sila.

Kung pwede sila, baka pwede rin kami ni Professor Salaza

Ay hindi, erase, erase! Jusko naman, kung ano-ano na naman ang napasok sa isip ko. Umiling-iling pa ako.

Bigla ko tuloy na-isip na kung hindi ako napilit ni Celestine na lumipat dito sa S.N.U ay baka kawawa na ako sa F.N.U lalo na kapag natuloy si Celestine sa italy. Siguro, hindi ko makikilala ang mga kaibigan ko ngayon. Masasabi ko rin na ang swerte ko sa kanila.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now