AMISELLE SERISE AVELLANO
"Serise!!" napapikit ako ng patili akong tinawag ni Celestine at tumakbo papalapit sa'kin bago ako yakapin.
"Hoy, nasasakal ako!" away ko sa kaniya.
Sinabihan kasi sila ni Professor Salazar na dumeretso muna sa bahay namin para sabay-sabay na kaming pumunta sa Tagaytay.
Saktong alas tres pa lang pero nandito na kaagad itong lima na 'to. Hindi naman halatang excited ang mga 'to. Alam kaya nilang family gathering ang pupuntahan namin?
"Pumasok muna kayo sa loob at mainit, kapag umitim kayo riyan sisisihin niyo na naman 'yong araw." saad ni mama na nakasimangot ngayon dahil ingay.
"Tita, nakasimangot ka na naman. Sige ka, hindi tatalab 'yang skincare mo." biro ni Celestine kay mama kaya naman inirapan siya nito.
"Magtigil ka Celestine ha, ibilad kita riyan sa ilalim ng araw." singhal ni mama sa kaibigan ko.
"Hoy! Wag niyo ngang ini-stress si tita." kunwaring concern na sabi ni Amethyst at lumapit sa mama ko.
"Isa ka pang bata ka, pagbuhulin ko kayong dalawa ni Celestine." singhal ni mama sa papalapit sanang si Amethyst sa kaniya.
"Tita, pasok na ako ha?" paalam ni Sereida.
"Edi pumasok ka, hawak ko ba pintuan?" kita mo 'tong nanay ko, walang preno ang bibig.
"Ito naman si tita. Wag nang mainit ang ulo, sige ka! Papangit ka niyan." natatawang saad ni Sereida kay mama.
Hindi ko maiwasang hindi sila titigan. Napapangiti na lang ako sa tuwing ganito sila. Simula ng makilala ni mama ang limang 'yan, tuwang-tuwa siya kasi may mga kaibigan na raw ako. Alam niya raw kasi na nabu-bully ako sa dati kong school at mailap ako sa mga tao kaya si Celestine lang ang kaibigan ko noon.
They're bullying me because they're insecure. Funny.
Ngayon, may Kaia, Sereida, Amethyst and Amber na ako.
"Why are you smiling?" tanong ni Amber sa tabi ko na nakangiti lang habang pinapanood ang mama ko na awayin sila Celestine.
"Wala, natatawa lang ako sa bonding nila." saad ko at ngumiti.
Amber chuckled. "I like tita Serine, she's so energetic."
"Sobra pa sa energetic 'yan." tawa ko naman na ikinatawa rin ni Amber.
"Tigilan niyo'ko ha, sasabihan ko talaga si Zamira na wag na kayong isama!" banta ni mama.
"Hala omg, legal na sila?!" tiling tanong ni Celestine.
"Oo, bakit ha? Matagal ko nang kilala si Zamira." tila barumbadong saad ng mama ko. Ang lakas talaga ng tama.
Inilibot ni mama ang mga mata niya, may hinahanap. Bumagsak ang mga mata niya sa katabi kong si Amber.
"Amber, nandiyan ka pala. Naku kang bata ka, kanina pa kita hinahanap akala ko hindi ka kasama. Halika ka nga rito!" saad ni mama sa katabi ko at siya na mismo ang lumapit sa isa at hinila.
"Hello po tita." ngiting bati ni Amber sa mama ko.
And speaking of favoritism, si Amber at Kaia ang gusto niya. Kabardagulan niya naman palagi sila Celestine, Sereida at Amethyst.
Ako? Hangin lang ako rito. Lakas ng tama ng nanay ko. Parang hindi ako sinabihan kaninang umaga na magdala ng magandang panty.
"Si Kaia, nasan?"
