AMISELLE SERISE AVELLANO
Buong biyahe ay tulog lang si Zamira sa tabi ko. Huminto ang van namin sa tapat ng isang hotel at kaagad kong nakita si Zanaya na busy sa cellphone niya.
"Ako na ang tatawag kay Naya, sandali." saad ni mama at excited na lumabas ng van.
Inayos ko ang pagkakapatong ng ulo nitong katabi ko sa balikat ko dahil baka sumakit ang leeg niya. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Professor Salazar na nakatingin samin.
"Bakit miss?" takang tanong ko.
She smiled. "Nothing. Just admiring the two of you." she answered and chuckled.
Napakunot ang noo ko pero agad kong ginawaran ng ngiti ang propesorang kausap ko.
Pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Mabilis kong inalis iyon sa isipan ko at ng muli ko siyang tingnan ay nakatingin na ito sa bintana ng van habang pinapanood na magyakap si mama at si Zanaya na may kasamang dalawang babae.
Naglakad na papunta sa pwesto ng van si mama kasama iyong tatlo. Pumasok si mama sa tabi ni Luigi. Nakasalubong ko ang mga mata ni Zanaya at nginitian niya ako. Ganoon din ang ginawa ko.
Lumipat ang mga mata niya sa katabi ko na mahimbing na natutulog sa balikat ko habang nakapulupot ang kamay niya sa mga bewang ko. Zanaya smiled after seeing us. Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya para sa kapatid niya.
Lumunok ako dahil sa mga bagay na bigla-bigla kong nakikita. Para kasing naiiyak si Zanaya ng makita kami, lalo na ang ate Zamira niya.
Pumasok na siya, sa unahan namin siyang umupo katabi 'yong isang kaibigan niya habang ang isa naman ay sa tabi ni Professor Vargaz.
"Hey, how are you?" baling na tanong ni Zanaya sa'kin.
I smiled widely. "Okay lang," sagot ko.
"I bet she didn't sleep," usal niya at tumingin sa katabi ko.
Tumango naman ako. "Buti nga nakatulog siya." sagot ko habang marahang inaayos ang damit niya.
"Serise." seryosong tawag sa'kin ni Zanaya.
"B-bakit?" hindi ko maiwasang hindi ma-utal dahil sa kabang nararamdaman ko. Seryosong seryoso si Zanaya.
"Can you make a promise to me?" she asked.
Nagtataka man ay tumango ako. "A-anong promise?"
"That no matter what happens, you'll never leave my ate Zamira," she stopped and sighed. "That no matter what you find out about her, you'll stay and continue to love her." she added, deretso ang tingin sa mga mata ko.
Nararamdaman ko ang bigat ng mga binibitawan niyang salita.
"Can you keep it, Serise? Can you promise that to me?" she asked, her voice trembling slightly. Like the words themselves were afraid of the answer.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zamira na mahimbing ang tulog sa'kin.
We promised to each other that no matter what happens, we will stay. We both chose to remain in each other's lives, no matter what comes our way.
I made a vow to her-that I would never leave her side, no matter what happens. That whatever truths she carries, whatever parts of her she's afraid to show, I will accept them all completely. I will love her through every high and every low. I will never leave her.
Even when the days grow heavy and her silence stretches longer than usual, I'll be there. When the world feels too much for her and she pushes everyone away-I'll be the one who stays just outside her walls, waiting.
