CHAPTER 45

1.8K 33 1
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Humagahulgol si Serine habang kaharap ang mga pulis.

"Please, bring back my daugther..." pagmamakaawa ni Serine sa mga pulis.

Walong buwan nang nawawala ang anak nila ni Amiro. Wala silang mahanap kahit anino ng bata. Hindi nga rin nila alam kung paano nawala ang anak nila na natutulog lang naman noon sa kwarto niya ng gabing iyon kasama ang paborito niyang dilaw na daga. Si Pikachu.

Gaano nga ba kahirap hanapin ang bata para sa kanila? Malapit na masimula ang Ber Months ngunit hindi nila kasama ang anak. Gayunpaman, hindi sumusuko si Serine at Amiro para sa anak nila.

Iniisip ng dalawa kung nakakakain ba ang anak nila. Kung nakakatulog ba ito ng maayos at hindi nananaginip ng masama. Kung umiiyak ba ito sa lungkot.

Hindi na alam ni Serine ang gagawin niya. Araw-araw siyang pumupunta sa simbahan at nagdadasal para sa anak. Araw-araw din niyang nililibot ang buong siyudad, nagbabakasakali na baka makita niya ang anak niya.

****

"Oh Lord please, bring back my daughter." dasal ni Yzamira habang umiiyak.

Hindi pa rin kasi ibinabalik ni Ysmael si Zamira simula ng kuhain ito. Si Zanaya na palaging tahimik ay gumagawa na ng paraan upang maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ng mommy niya.

Gustuhin mang lumabas ni Yzamira upang hanapin ang anak ngunit ipinadala sila ni Ysmael sa France at mas lalong pinabantayan sa mga tauhan niya. Hindi para sa kaligtasan nila kundi para hindi sila makalabas ng mansion at sa bansa.

Hawak ni Ysmael ang buhay ni Zanaya. Ngunit tila ba walang pake si Zanaya kung maaga siya mamamatay o hindi.

Tumakas kasi ito isang gabi at nagtagumpay siya. Sa katunayan at gumawa ito ng tinatawag niya secret door palabas ng malaking mansyon na kung saan marami ang pasikot-sikot.

Matalino si Zanaya. Marami siyang alam. Hindi niya kailangang bugbugin para lang matutong tumugtog ng mga instrumento, hindi katulad ng ate Zamira niya na sapilitan at dinadaan lahat sa dahas.

Alam ni Zanaya sa sarili niya na magaling siya sa pagkanta. Magaling siya pagdating sa musika.

Ngunit bakit nga ba tumatakas si Zanaya gabi-gabi at paanong hindi ito nalalaman ng mga nakabantay sa kanila? Paano niya naiiwasan ang mga CCTV sa mansion na naka-konekta mismo sa kahit anong device ni Ysmael.

Ano ba ang ginagawa ni Zanaya?

****

"A-ang lamig..." usal ni Serise.

Niyakap naman siya ni Zamira upang maibsan ang panlalamig ng isa. Maski kasi kumot ay hindi sila binibigyan.

Sabay na napatitig sa pintuan ang dalawa ng marahan itong bumukas. Pareho silang nagulat ng pumasok ang isang dalaga na magulo ang buhok at maski siya ay puno ng pasa, sugat at dugo sa suot niyang white hospital gown.

Sumenyas ito sa dalawa na huwag maingay at marahan ulit na isinarado ang pinto ng makapasok siya.

"Karaeth..." tawag ni Zamira sa dalaga.

"Hep, anong Karaeth? Ate Karaeth dapat, mas matanda ako sa'yo." usal ni Karaeth at umupo sa tapat ng dalawang bata na naka-upo na ngayon.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now