AMISELLE SERISE AVELLANO
Tahimik lang akong naglalakad sa hallway nitong 6th floor ng hotel. Hinahanap ko ang kwarto ni mama dahil balak kong makitulog sa kaniya.
"Serise?"
Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Celestine na nakangiti habang nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko ng makita ang kiss mark sa leeg niya.
"Hoy bruha ka, ano 'yan?" tanong ko sa kaniya at hinila siya papalapit sa'kin para lalo kong makita ang kiss mark niya.
"Hickey?" she sarcastically said and laughed.
Hinampas ko siya sa braso niya. "Baliw ka! Sinong may gawa niyan?" tanong ko, puno ng pagtataka na naman.
"Si--"
"Celestine." sabay kaming lumingon ni Celestine sa babaeng tumawag sa kaniya.
Si Penelope.
Ito na naman 'yong mga instinct kong nakakagago. Lumipat-lipat ang mga mata ko kay Celestine at Penelope na nakatingin lang sa isa't-isa ngayon.
Celestine looked at me and smiled sweetly. "Invited ka sa kasal ko."
"Putangina?!" gulat kong reaksyon na ikinasimangot ni Celestine.
"Anong kasal? Ikaw ikakasal? Gago ka, sino ha?!" sunod-sunod kong tanong dahil hindi ako makapaniwala.
"Wala pa, oa ka. Engaged palang." tawa nito kaya si Penelope naman ang tiningnan ko na umiwas ng tingin mula sa'kin.
"May tinatago ka ba sa'kin, Celestine?" seryosong tanong ko sa kaibigan ko.
Lumunok ang kaibigan ko bago bumuntong hininga. "I'm engaged with--"
"With me."
Wala sa sarili akong napapikit. Engaged si Celestine at Penelope?! Ngayon ko lang nalaman?! Kailan pa?
"Okay." tanging saad ko at akmang aalis na ng hilahin ako ni Celestine.
"Uy teka lang..."
"Bitawan mo'ko Celes, wala ako sa mood." saad ko.
"Seri..." ngusong tawag niya sa'kin.
"Matutulog na ako, good night." saad ko sabay hila sa pulsuhan ko na hawak-hawak niya.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko. Napairap ako.
"Engaged my ass. Ibig sabihin matagal na sila pero hindi ko manlang alam?" sarkastikong tanong ko sa sarili ko.
"Edi wow." inis na singhal ko sa sarili ko at umirap. Nandito ulit ako ngayon sa hotel rooftop lounge.
Hindi ko mahanap ang room ni mama kaya naman dito na lang ako pumunta. Nakakairita nga dahil kakagaling ko lang dito kanina pero nandito na naman ulit ako.
"I'm tired of this shit..." I heard someone said.
"It's okay. I'm here, stop crying now darling. I love you."
Lalong kumunot ng noo ko ng marinig ko ang boses ni Professor Yariya Lazarus at ni....
Sereida?!
Mula sa kinau-upuan ko ay tumayo ako at naglakad sa banda kung saan naririnig ko ang dalawang boses.
"Serise?!" gulat na tawag sa'kin ni Sereida ng makita ako.
"Oh, Miss Avellano."
I forced a smile. "Opps, sorry kung nakaabala. Don't ya worry guys." saad ko at pilit pang tumawa bago kindatan si Sereida at umalis na.
