AMISELLE SERISE AVELLANO
"Miss!" masayang tawag ko kay Professor Salazar ng makita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko.
Tapos na ang klase namin at dederetso kami sa mansion para sa tutoring session nila Zaniya. Excited na nga ulit akong makita 'yong tatlong kapreng bubwit. Maririnig ko na naman ang walang katapusang asaran nila.
"Have you been here for a while?" tanong niya ng makalapit ako.
Umiling ako bilang sagot sa kaniya at nginitian siya.
"What's with that smile?" she asked and tucked some strands of my hair.
"Wala hehehe, namiss kita." saad ko at ngumuso.
She rolled her eyes on me after fixing my hair. "It's only been a few hours since we last saw each other." ngiwing saad niya kaya naman mahina akong natawa.
"Iba tama mo miss eh," saad ko. "Gusto ko araw-araw kitang nakikita."
Sandali siyang napatitig sa'kin kaya naman nagtaka ako.
"Bakit miss?" takang tanong ko.
Ito na naman tayo sa pag irap niya sa'kin! Buti sana kung naglalabas ng words 'yong mga mata niya kaka-irap sa'kin eh.
"Stop calling me miss or professor when we're outside the university or when it's just the two of us. You know it feels too formal." she said.
"Eh pano kita tatawagin niyan? Nasanay na ako eh..." saad ko.
"Anything."
"Okay, anything." saad ko at masama niya akong tinitigan.
"Dumbass," she irritatingly said.
Natawa ako. "How about Zamicorn? Maganda rin ang unicorn." pang-aasar ko pa.
"Aww..." mahinang daing ko ng kurutin niya ang tagiliran ko.
"Be serious," she said and rolled her eyes on me.
Tumikhim ako at sumeryoso ng mukha. Dahil doon ay napakunot siya ng noo.
"The hell."
"Sabi mo be serious..." saad ko at napanguso.
Napa-buntong hininga siya, mukhang malapit nang sumuko sa'kin.
"You're draining every bit of my patience." gigil niyang saad sa'kin.
"Miss..." ngusong tawag ko.
Mariin siyang napapikit. "I told you-don't call me miss or professor when we're not in the university, or when it's just the two of us. Is it really that hard to understand, or do you just enjoy pushing my limits every chance you get?" halata mo ang gigil sa boses niya ngayon.
Mahina akong natawa dahil sa kaniya. Pano, ang cute niya magalit! Namumula ang pisnge.
"Miss baby..." pang-aasar ko ulit na ikinatigil niya at lalong namula ang pisnge.
"Say that again." she said.
"Ang alin miss?" birong tanong ko at nagpanggap na wala akong sinabi.
"I told you, say that again!" she hissed.
"Say what? Wala naman po akong sinabi na kahit ano." patay malisya kong saad kahit natatawa na ako sa cute niyang mukha na lalong namula sa pinaghalong inis at galit...o kaya kilig?
