AMISELLE SERISE AVELLANO
"Miss, san tayo?" ngiting tanong ko sa magandang kasama ko na nakahalukipkip at masama ang tingin sa daan.
"My house." tipid niyang sagot.
Natigilan ako sa paglalakad kaya ganon din siya at kunot-noong nakatingin sa'kin.
"What?" malditang tanong niya.
Ngumiti ako ng nakakaloko. "Ikaw miss ha! Balak mo na pala akong ibahay." panunukso ko sa propesora.
"Aray!" daing ko ng kurutin niya ang tagiliran ko at masama akong tinitigan.
"Stop joking around, Avellano." iritadong saad niya sa'kin.
Ngumuso ako. "Ikaw kasi miss..." ngusong saad ko.
Tumalikod na ito sa akin at naglakad na muli. Mahapdi pa rin ang pagkakakurot niya sa'kin. E pano, ang haba ng mga kuko niya! Putulin ko 'yan lahat e.
Napadpad kami sa parking lot ng mall. My jaw literally dropped when I saw her car.
It's a red bugatti la voiture noire.
"Don't just stare at my car, Avellano." malditang saad niya.
I gulped and then stared at her.
"Miss?" tawag ko sa kaniya.
"What?" taas kilay niyang tanong habang naka-crossed arms.
Jusko! Ang ganda ni miss.
"Sayo 'yan?" parang tangang tanong ko.
"No. It's my dead grandmother's car." she sarcastically answered and rolled her eyes on me that made me pout.
"Stop pouting, Avellano."
"Ayaw." dahil sa sagot kong 'yan ay sinamaan niya ako ng tingin.
Pumasok siya sa loob ng kotse habang ako ay nanatiling nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. Nakakahiya kayang sumakay diyan!
"Get inside, Avellano." jusko! aatakihin ako sa puso dahil sa malalim niyang boses.
Napalunok ako bago pumunta sa kabilang side ng sasakyan niya. Marahan akong pumasok sa loob. Masama ang mga tinginan niya sakin ng makapasok ako sa loob.
"You're so slow." iritadong saad niya.
Nanahimik na lang ako. Nagtataka akong tumingin sa katabi ko ng hindi pa rin siya nagsisimulang magmaneho.
"Bakit miss?" tanong ko ng masama siyang tumingin sakin.
"My goodness! Wear your seatbelt, Avellano!" saad niya na tila na-ubos ko ang pang-sampong kataong pasensya niya.
Dahil sa gulat ay agad akong sumunod. Napahinto ako sa gitna ng pag-aayos ng seatbelt ng maalala kong hindi pala ako marunong.
"You're moving like a snail, Avellano." inis niyang saad kaya naman nagpapa-awa akong tumingin sa kaniya.
Umarko ang kilay niya at ako naman ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"What now? Don't know how to wear a seatbelt?" she asked irritably, and I blinked twice in response.
Sana maintindihan mo miss, nahihiya kasi ako!
She let out a deep sigh before leaning closer to my seat. The moment she did, her perfume filled my senses-intoxicatingly pleasant. I couldn't recognize the brand, but I was certain it wasn't something she just bought randomly.
