CHAPTER 19

2.9K 65 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Nakatingin lang ako sa sahig habang naka-upo rito sa sofa sa living room nitong mansion nila Professor Salazar. Hindi ko alam pero hindi pa rin nawawala 'yong lungkot na nararamdaman ko kanina. Wala tuloy ako ganang magsalita.

Malalim akong bumuntong hininga. Inangat ko ang paningin ko para tumingin sa glass wall nitong living room nila. Kita pa rin ang malakas na buhos ng ulan.

"Ate Serise!" kaagad akong lumingon ng marinig ang pagtawag sa'kin ni Zaniya.

Oo, si Zaniya.

Tumatakbo siya habang pababa sa malaking hagdan, nakapaa pa 'yan siya.

"Uy hala, wag kang tumakbo!" suway ko sa kaniya dahil natatakot akong mahulog siya sa hagdan nila na patungong langit.

A stairway to heaven ang atake.

Ang lawak ng ngiti niya, akala mo naman celebrity ang nakikita niya ngayon sa harapan niya hehehehehe.

"You're here!" masiglang ngiti niya.

Ngumiwi ako. "Hindi, kaluluwa ko 'to." saad ko na ikinatawa nitong babaita.

"I thought mamayang 6 pa tayo magsisimula?" takang tanong niya.

"Magaling kasi 'yong ate mo, binitbit ako papunta rito." ngusong saad ko.

"Eh?"

"Yung ate mo kamo, malakas ang sapak! Nag suspend ba naman ng klase," saad ko na ikinagulat niya.

"Talaga?!"

"Oo nga, lakas ng tama 'di ba?" ngiwing tanong ko, muli na namang tumawa itong bubwit na 'to.

Hindi ko maiwasang hindi mapasimangot dahil sa tangkad ng isang 'to. Ang tatangkad talaga.

"Ay oo nga pala," simula ko ulit ng may ma-alala. "Anong trip mo at ako ang kinuha mong tutor?" tanong ko.

Pero si gaga! Nginisihan lang ako. "You'll know soon....."

Inirapan ko siya. "Ang daming alam ha?!" singhal ko sa kaniya na tumawa na naman. Puro na lang siya tawa.

"Ay ate, sa lanai tayo mag-aral mamaya kasama 'yong dalawa." saad ni Zaniya.

"Oo nga pala, sino 'yong dalawa?" takang tanong ko ulit.

"You'll meet them later po," ngiting saad ni Zaniya.

Itong batang 'to, kanina pa siya! Hindi na lang sagutin lahat ng tinatanong ko. Hmp!

"Gusto kong mag bake, marunong ka ate?" tanong ni Zaniya at umiling ako.

"I'll teach you!" excited niyang saad at mabilis akong umiling.

Nag-chat sa'kin si Celestine at sinabing suspended ang klase ngayon, totoo nga ang sinabi ng propesora na nag announce siya ng suspension sa buong city. Sa bagay, ang lakas kasi talaga ng ulan sa labas tapos sinasabayan pa ng malakas na hangin. Feel ko tuloy kapag lumabas ako, liliparin ako.

"Ate, okay ka lang? You're spacing out." ngiwing saad ni Zaniya.

"Okay lang ako, iniisip ko lang kung kakasya ka ba sa oven niyo kapag ipinasok kita don." saad ko at lumayo ng kaunti sa'kin si Zaniya na tila natakot sa'kin. Malakas ang tumawa.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now