CHAPTER 5

3.4K 77 2
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

"Teh, gising ka na ba?" naimulat ko ang mata ko ng marinig ang boses ni Celestine at malakas na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Aga-aga nangbubulabog!

"ANOOO?" sigaw kong tanong at nagtakip ng kumot.

"Gaga ka, diba sabi mo may pasok ka ngayon?" saad nito.

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at napatingin sa wall clock.

It's already 7:03 at 10:00 a.m pa naman ang pasok ko. Whole day ako hanggang sa pasukan kasi wala namang pasok ng 1 month.

Lumabas ako ng kwarto ko at si Celestine ang bumungad sakin.

"Where's mah mader?" I asked.

"She's already lumayas." saad nito at napakamot sa ulo.

"Tabi, shoo!" saad ko at itinulak siya paalis para makadaan ako.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ka ba nandito?" I asked.

"Sama ako sayo, i'm so bored." sagot nito at parang siga na na-upo sa sofa.

Tumango na lang ako.

"Ay bakla alam mo ba, hindi na ako lilipat sa Italy pero sa S.N.U na ako mag-aaral." saad ni Celestine.

"Okay, goodluck." saad ko.

Napadaing ako sa sakit ng batuhin niya ako ng heels niya.

"Gago 'to ah!" singhal ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Isasama kita!" saad nito.

I rolled my eyes.

"Bahala ka sa buhay mo, kapag ako nawalan ng scholarship sponsor mababatukan talaga kita!" ngusong saad ko.

Ngumisi siya. "Edi ako magpapa-aral sayo!" saad nito na tila proud pa.

Inirapan ko na lang siya at lumamon ng hotdog na prinito ng ina ko.

Nag-ayos na ako ng sarili ko bago pumunta sa trabaho ko. Sabi ni Celestine ay hihintayin niya raw ang out ko hanggang 6:00 p.m para sabay na kami pumunta sa concert ng idol niyang si Zanaya.

I don't even know who's Zanaya, goodness!

"Good morning Miss Cia hehehe." bati ko sa owner ng makapasok ako.

"Oh good morning dear, you're with someone I know pala." saad nito at tiningnan si Celestine.

"Pangit talaga ni Ciarisse Eastern!" saad ni Celestine at tinarayan si Miss Cia.

"Oh shut up darling, I can kick you out from here." saad ni Miss Cia at ngumisi pa.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa.

"She's my cousin." saad ni Celestine at nginitian ako ng malaki.

"A goddess cousin." proud na sagot ni Miss Cia.

"Mama mo blue." saad ni Celestine na wala nang masabi.

"My mom is not blue." saad ni Miss Cia na tuwang-tuwa sa pikon na mukha ni Celestine.

"Ewan ko sayo!" pikon na sabi ni Celes at na-upo sa bakanteng upuan.

"Oh, by the way here's your uniform Serise, wear it before you start ha?"

"Opo!"

Masasabi kong nakakatuwa ang mag-trabaho pero syempre hindi natin maiiwasan na mapagod. Hindi ko pa nga nasasabi kay Mama Serine ko na may trabaho na ang maganda niyang anak.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now