THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Year 2009.
"Let me go!" sigaw ng isang dalaga.
Kasalukuyan kasi siyang nasa asylum at ipinadala lamang ng mga Ferrer upang patahimikin ito sa mga nalalaman niya. Kinamumuhian din siya ng angkan dahil sa pagiging lesbian niya.
Para sa kanila, abnormal ang pagiging lesbian. Galit sila sa dalaga dahil nalason niya ang isa sa mga anak ng mag-asawang Ferrer.
Nahulog ang anak nilang si Hope sa dalaga at nagkaroon pa sila ng anak.
"Don't you fucking try!" saad na naman ng babae na nagpupumiglas sa mga hawak ng dalawang lalaki.
Bumukas ang pinto ng isa sa mga kwarto sa asylum na may nakalagay sa taas na ROOM 03 - KKH 003. Pumasok si Doctor Rivas at kasunod niya ang iba pang mga doctor at scientist na katulong niya sa loob ng asylum.
"Itali niyo siya ng mahigpit." utos ni Doctor Rivas sa mga tauhan niya na kaagad namang sinunod.
"What's her name?" tanong ng isa sa mga doctor na nagmula pa sa Germany.
Ngumisi si Doctor Rivas. "Karaeth Katara Hidalgo. She's one of our guinea pig." usal ng doctor.
****
Year 2009. Mansion de Rivas
(Rome, Italy)
"Mommy, look!" tuwang-tuwa na saad ng batang si Zamira habang pinapakita ang painting niya sa mommy Yzamira niya.
Anim na taong gulang na si Zamira, si Zanaya apat na taong gulang at si Zaniya naman ay mag i-isang taon na.
"Ate is so good at painting..." ngusong saad ni Zanaya na nakatingin sa painting ng ate Zamira niya. Namamangha siya.
Natawa si Zamira sa kapatid niya. "Hey, what's with that pouty face our Blossom?" ngiting tanong ni Zamira.
Sa murang edad ng magkapatid ay likas na ang pagiging matalino nila. Lalo na si Zamira. Kasalukuyan din silang nasa Italy ngayon at naiwan si Ysmael sa Pilipinas dahil may ginagawa ito.
Para sa iba, iisipin nila na pwedeng makatakas ang mag i-ina ngunit nagkakamali sila. Madami ang nakabantay sa loob at labas ng mansion. Kilala din ang mga Rivas sa larangan ng mga mafia sa Italy at sa iba pang bansa kaya kahit saan sila magpunta ay makikilala sila.
Dala-dala nila ang apelyidong Rivas—sa ngayon. Isa sa mga dahilan ni Yzamira kung bakit ayaw niyang madala ng mga anak niya ang apelyido ni Ysmael ay dahil sa nakakatakot nitong business.
Ang Mafia.
Isang organisasyon na ang mga Rivas ang namumuno. Pilit itinatago ni Yzamira ang panganay nilang anak na si Zamira dahil alam niya na anumang oras ay kukuhain nila ito sa kaniya upang sanayin na gumamit ng mga armas.
Si Zamira ang unang anak ni Yzamira at Ysmael at sa madaling salita, si Zamira ang papalit sa pwesto ni Ysmael.
Hindi iyon lubusang matanggap ni Yzamira. Hindi niya hahayaang madungisan ng kahit anong kasamaan ang anak niya.
"Mommy, ate Zamira is so pretty!" saad ni Zanaya at napapalakpak ng makita ang ate Zamira niya na gumagawa na naman ng painting sa garden ng mansion.
Ngumiti naman si Yzamira. "You're pretty too, my lovely baby." saad ni Yzamira.
"Mommy, some people think I'm jealous of Ate Zamira… but that's not true at all. I love her so much. I admire her—more than they'll ever understand. She's not just my sister… she's someone I look up to, someone I'm proud of." ngusong saad ni Zanaya sa ina niya na lumawak ang ngiti matapos niyang marinig ang sinabi ng anak. Para bang hindi apat na taong gulang pa lamang si Zanaya sa paraan ng pagsasalita niya. Straight na straight.
