AMISELLE SERISE AVELLANO
"Miss." ngusong tawag ko sa katapat kong magandang dilag.
"What is it?" tanong niya habang nakatuon sa mga papel na binabasa niya.
5:47 p.m pa lang, ayos.
"Wala na pong tao rito?" tanong ko at para ipa-alala na rin sa kaniya.
"Yes, and?" she said, not looking at me.
"Wala po bang ghost dito?" I asked that made her sighed.
Hehehe.
"None." she flatly answered.
Nakanguso kong ibinalik ang tingin ko sa mga papel na chini-checkan ko.
Nakakaiyak, ang dami pa.
"Stay here. I'll go get the food." saad bigla ni Miss.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Iiwan mo'ko rito miss?" natatakot kong tanong.
Halaaaa!!!
Noooooo!!!
"Stop pouting, Serise." she said and sighed.
Pagod na si miss sakin, aray.
"Sasama ako!" pagpupumilit ko.
"Stay here." inis niyang saad.
"Miss, baka may multo rito." naiiyak kong saad.
Napahilamos siya ng mukha ng wala sa oras. "Goodness, Serise! There's no ghost in here !" inis niyang saad.
I bit my lower lip.
Ang ganda ni Miss.
"Miss...." nanghihina kong tawag.
She shook her head. "Wait for me here, saglit lang ako." saad niya bago tuluyang lumabas ng office.
Naiwan ako rito. Inilibot ko ang mga mata ko sa office ni Professor Salazar.
Ang lawak talaga rito. Parang gusto kong tumambay araw-araw. Hays.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagc-check ko. Napahinto ako ng biglang mamatay ang ilaw.
"Wahhh Missss!" hiyaw ko ng wala na akong makita sa sobrang dilim.
I started sobbing.
Hala. Walang ilaw.
Natatakot ako.
Umiiyak kong kinapa ang mga nasa paligid ko. Maingat iyon dahil baka makasira ako ng gamit.
"Miss..." tawag ko.
Hinahanap ko ang pintuan pero sumuko na ako ng hindi ko mahagilap iyon. Isinuksok ko sa gilid ang katawan ko.
No.....
I'm scared of darkness.
The image of my father laying on the floor, bathing in his own blood.
My father.....
Ang papa ko.....
Maganda at tarantado akong tao pero may mga bagay din akong kinatatakutan.
Pano na yan? Hindi ko na makita ang maganda kong reflection sa malaking salamin na nakalagay sa office ni Miss.
Teka, nasan na ba si Miss? Sabi niya saglit lang siya.
"M-miss..." I said between my sobs.
Nakakatakot.
Natatakot ako.
