CHAPTER 44

1.7K 34 0
                                        

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Take her." malamig na utos ni Ysmael sa mga tauhan niya.

Kaagad naman nilang sinunod ang amo nila. Kinuha nila si Serise na mahigpit na yakap-yakap ni Zamira.

"F-father please d-don't...." paki-usap ni Zamira sa ama. Umiiyak si Serise, ayaw siyang bitawan ni Zamira dahil alam ni Zamira sa sarili niya kung ano ang gagawin nila kay Serise.

They will torture her.

They will use her as their guinea pig.

"B-bitaw...." mahinang saad ni Serise at kahit siya ay mahigpit na nakayakap kay Zamira.

Ayaw nilang bitawan ang isa't isa.

"Don't be so stubborn!" galit na sigaw ni Ysmael sa dalawang bata na walang kalaban-laban.

"Hold on tight, Amiselle." naiiyak na bulong ni Zamira kay Serise.

"Come here, Serise!" utos ni Ysmael. "Kapag hindi ka lumapit sa'kin, sasaktan ko si Zamira!" pananakot ni Ysmael sa bata.

Lalong humigpit ang yakap ni Zamira kay Serise na pilit pinaghihiwalay ng mga tauhan ni Ysmael.

"Yzariah, sasaktan ka nila..." umiiyak na saad ni Serise at mariing umiling si  Zamira.

"It's okay, I can endure the pain." usal ni Zamira at kahit siya ay umiiyak na.

Ayaw niyang maranasan ni Serise ang mga nararanasan niya sa loob ng kwartong iyon.

Project Mnemosyne Room.

"Ano ba?! Ang tagal niyo! Dalawang bata lang 'yan!" galit na reklamo ni Ysmael.

"Amiselle....please don't let go." usal ni Zamira kay Serise.

"Bitawan niyo'ko!" sigaw ni Serise ng maramdaman niya ang paghawak sa kaniya ng dalawang lalake.

"Let go of her!" sa unang pagkakataon ay muli na namang sumigaw si Zamira sa galit.

"Yzariah!" sigaw ni Serise sa unang pangalan ni Zamira ng malakas siyang hilahin mula sa pagkakayakap nila ni Zamira.

"Amiselle!" tawag ni Zamira sa unang pangalan ni Serise.

Heavenly Father, please....

Paki-usap ni Zamira, she's praying.

Sinubukang habulin ni Zamira si Serise ng makuha na siya ng mga tauhan ni Ysmael.

Hindi naman niya nahabol ang isa na umiiyak habang tinatawag ang unang pangalan ni Zamira. Hinarangan din siya ng ama niya at marahas na hinawakan ang buhok ng bata.

"F-father...i-it hurts..." iyak ni Zamira. Napapikit ito sa sakit ng pabato siyang binitawan ni Ysmael.

"I already told you Zamira! How dare you?!" galit na sigaw ni Ysmael sa bata.

Nabalot na naman ng takot si Zamira.

I break his number one rule.

I'm not allowed to be happy.

"I-i'm sorr--"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Zamira ng malakas siyang sinampal ni Ysmael.

"Wala kang karapatan na sa suwayin ako. You're just my creation!" sigaw na naman ni Ysmael. Napayuko na lang si Zamira.

Ano nga bang laban ni Zamira sa lalakeng kaharap niya? Pitong taong gulang pa lang siya. Wala siyang lakas.

Tumayo ng tuwid si Ysmael bago niya pinagpagan ang suot niyang doctor coat.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now