AMISELLE SERISE AVELLANO
Matapos kong kumanta ay nagpasya akong mamili pa ng isa para kantahin. Naiwan ako rito sa music room sa mansion ni Professor Salazar dahil pumunta siya ng kwarto niya. Hindi niya sinabi kung ano ang gagawin niya.
"Ito na lang kaya..." mahinang saad ko ng makita ang kanta. "Ay, wag." saad ko ulit at muling naghanap. Nauubusan na ako ng kakantahin dahil halos nakanta ko na lahat ng alam kong kanta kanina.
Napabaling sa pintuan ang mga mata ko ng bumukas ito. Kinabahan ako bigla ng hindi si Professor Salazar ang pumasok sa pintuan. She confusingly looked at me with her furrowed face.
"Who are you?" she asked, just like Professor Salazar's voice—cold and full or authority.
Nahihiya akong tumayo sa kinau-upuan ko. "H-hello." utal kong bati sa kaniya at napalunok.
"I'm asking you." masungit niyang saad.
Lalo akong nahiya sa kaniya, mukhang siyang mangangain ng tao!
"I said, who the hell are you? A thief?" she asked.
Napanguso ako. "May magnanakaw bang kumakanta mismo sa bahay ng ninanakawan niya?" pilosopong sagot ko at agad na tinakpan ang bunganga ng ma-realize ko ang sinabi ko.
She sarcastically laughed. "Idiot." insulto niya sa'kin at inirapan ako.
"Who gave you permission to come here?" tanong na naman ni ateng blue eyes.
Lumunok ako bago buksan ang bunganga ko para magsalita pero naunahan ako ng malamig na boses.
"Zaniya."
Sabay kaming napalingon ni ateng blue eyes ng marinig namin ang boses. It was Professor Salazar. Alam na alam ko na ang boses niya.
Lumiwanag ang mukha ni ateng blue eyes na tinawag ni Professor Salazar na Zaniya.
"Ate!" nakangiting tawag niya sa propesora.
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko habang pinapanood silang magyakapan. Naka-poker face pa rin ang propesora at ang isa naman ay malawak ang mga ngiti.
"Ate, I missed you!" tila naiiyak na saad ni Zaniya. Alam ko namang kapatid niya ang propesora, tinawag na ate eh.
Pero malay mo, hindi? Malay mo pinsan? Edi wow!
"Ang tagal mong umuwi rito." at ayon na nga, umiyak na si Zaniya habang yakap-yakap ang propesora.
Hindi ko maiwasang magtaka. Ang tagal? Akala ko ba ito ang bahay ng propesora? Hindi ba siya nauwi rito minsan? Hays, bakit ko ba pino-problema? E hindi naman ako kasama sa buhay niyan.
"When did you get back from Italy?" Professor Salazar asked in her cold voice—wala manlang ka-sweet sweet!
Humiwalay si Zaniya sa pagkakayakap sa propesora at mahinang tumawa. "Grabe! Hindi mo manlang ba namiss ang pinakamabait mong kapatid?" tanong ni Zaniya.
Sabi na eh, kapatid niya.
"No." deretsong sagot ng propesora at nilampasan ang kapatid niya at naglakad palapit sa'kin.
Medyo nagulat pa ako doon. Humarap saming dalawa si Zaniya na malawak na ang ngiti. "Ate, sino siya?" tanong ni Zaniya na malaki pa rin ang ngiti sa labi. Nawala na ang masingit at intimidating aura niya kanina.
"None of your business." malamig na turan ng propesora.
Napanguso naman si Zaniya. "Sungit, tatanong lang eh!" usal ni Zaniya at lalong napanguso.
