CHAPTER 26

2.4K 60 7
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Marahan akong kumatok sa pintuan ng bahay namin. Hawak-hawak ng propesora ko ang isang kamay ko. Alam kong nandito na si mama sa bahay dahil bukas na ang ilaw sa loob.

"You're not nervous?" Professor Salazar asked and looked at me.

Umiling ako. "Hindi naman, alam ni mama na bading ako." sabi ko at tumawa.

Bumalik ang atensyon naming dalawa sa pintuan ng bumukas 'yon. Iniluwa ng pintuan ang nanay kong may suot pang facial mask at naka-pink na pantulog.

"Oh, umuwi ka p---" hindi natuloy ang sasabihin ni mama ng dumapo ang mga mata niya sa kasama ko.

Maging ang propesora ay natigilan ng makita ang mama ko. Nagsumiksik ang kasama ko sa'kin.

"She look like a ghost..." mahinang bulong sa'kin ni Professor Salazar.

Nanlaki ang mga mata ni mama. "Familiar ka..." saad ni mama at sandaling nag-isip. Ako naman ay naguguluhan dahil sa ina ko, pati na rin ang kasama ko ay naguguluhan.

"Ikaw ba si Zamira Ravis?" tanong ni mama na lalong ikinagulat ko.

Kilala niya ang propesora ko? My mom just called Yzariah as Zamira Ravis.

Ravis ang middle name ni Yzariah and Zamira is her second name.

Anong meron?

"I'm sorry po, I don't mean to be rude, but who are you?" takang tanong ng kasama ko.

"Pasok muna kayo sa loob, dali." saad ni mama at hinila ang propesora ko habang siya naman ay ako ang hinila paloob.

Hilahan 'yan.

Pina-upo kami ni mama sa isang mahabang sofa habang siya naman ay umupo sa pang-isahang sofa sa harap namin.

"Hindi mo ba talaga ako na-aalala?" ngusong tanong ni mama at umiling naman si Yzariah.

Minsan, hindi ko na talaga alam ang itatawag ko sa girlfriend ko. Nasanay kasi ako sa Professor Salazar na 'yan.

"No po..."

"Eh si Amiro Luther Avellano?" tanong ni mama patungkol sa papa ko.

Pati papa ko?

Sandaling napahinto ang propesora bago tumingin sa'kin.

"I-is he your husband?" tanong ni Professor Salazar.

My mom nodded and smiled. "I'm Aerielle Serine Avellano." pakilala ni mama sa sarili niya. Mukha na siyang propesyonal ngayon kahit may facial mask pa siya.

"Oh, I remember now..." saad ni Professor Salazar at titig na titig sa mama ko.

"Oh diba! Kilala mo pala anak ko, hindi mo ba alam na siya 'yong humalik sa'yo noon?" natatawang tanong ni mama.

Nanlaki ang mga mata ko bago mag flashback sa utak ko ang batang babae na hinalikan ko noon na may green eyes.

Kahit ang propesora ay gulat na tumingin sa'kin.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now