AMISELLE SERISE AVELLANO
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang nagtuturo sa tatlong kapre rito sa lanai ng mansion nila. Mamayang six pa dapat pero dahil nandito naman na ako kaninang umaga pa ay sinabi ko na magsimula na kami. Ang ginawa ko ay introduction of topics muna bago ko itinuro 'yong iba.
Unang araw pa lang pero namamangha na ako sa talino nilang tatlo, lalo na si Zaniya. Walang duda, kapatid nga talaga siya ni Professor Salazar.
Speaking of Professor Salazar, she's watching us. Naka-upo siya sa pang isahang sofa at naka-cross arms pa 'yan siya. Simula kanina ay hindi na niya ako nilubayan.
"Gets niyo?" ngiting tanong ko at tumango naman ang tatlong kapre.
Tatlong kapre kasi ang tangkad din nila, kasingtangkad nung dalawa si Zaniya pero wala talagang makakatalo sa tangkad ni Professor Salazar.
"Sige nga, magtatanong ako." saad ko, nakita ko kung gaano sila na-excite. Ngayon lang ako nakakita ng mga estudyanteng excited sa recitation.
"How does understanding different belief systems and world religions help promote tolerance and harmony in a diverse society?" mahabang tanong ko.
Sabay-sabay silang nagtaas ng kamay matapos ko lang sabihin ang tanong ko, tila ba may sagot na kaagad sila.
"Ako na, let me answer this question." saad ni Zaniya.
"Shut up Zaniya, put your hands down!" singhal sa kaniya ni Naomi.
"Both of you, shut up. Choose me Ate Serise!" sabat naman ni Luciana.
"Let me!"
"No, choose me Ate!"
"No, ako dapat!"
Sabay-sabay na tumingin sa'kin ang tatlo na nakanguso. Tangina, ayoko na.
Joke.
Napangiwi ako.
"I'll choose." ngayon ay kaming apat naman ang napalingon kay Professor Salazar ng magsalita ito.
Nagulat ang tatlo. Nakalimutan ata nilang may kasama kaming professor dito at kanina pa kami pinapanood.
"Naomi, answer the question." saad ng propesora. Ngumiti naman si Naomi at napapalakpak sa tuwa.
"Understanding different belief systems helps promote tolerance and harmony by encouraging respect, reducing prejudice, and allowing people to coexist peacefully despite their differences." sagot ni Naomi, mukhang na satisfied naman si Professor Salazar sa sagot niya.
"Ask more, ate." ngusong saad ni Luciana.
"Nakiki-ate kayo, akin lang siya!" saad ni Zaniya habang nakanguso at masama ang tingin kay Luciana.
"She's not your property!" paglaban ni Luciana.
"She's not my property but she's ate Zamira's property!" paglaban ulit ni Zaniya kaya naman gulat akong napatingin sa propesora.
"Kahit na, how should we call her ba?" singhal ni Luciana, nagtataray.
Lalong humaba ang nguso ni Zaniya. Ang sarap tuloy pisilin ng pisnge niya kasi ang cute cute niya.
