AMISELLE SERISE AVELLANO
"Maaga ka na umuwi, Serise mamaya ha? Para makapag-rest ka." saad ni Miss Cia na nakangiti sakin.
Tumango na lang ako habang nakangiti.
Nahihirapan akong gumalaw dahil sa mga titig na ginagawa sakin ni Miss Salazar.
Alam ko namang maganda ako!
Kasama niya ngayon si Miss Ciarisse sa table at iyong babae na tinawag ni Miss Cia kanina na Penelope.
Sabi ni Miss Cia ay ako na raw ang umasikaso sa mga kaibigan niya dahil may kukuhain lang siya sa office niya. Taimtim akong nagdadasal habang papalapit sa table nila Miss Salazar.
"May gusto po kayo?" I carefully asked.
"Hello, you're pretty! What's your name?" biglang saad ng isa sa tabi noong Penelope na hindi ko kilala.
I smiled. "Seri—"
"Why do you need to know?" putol ni Miss Salazar sa sasabihin ko.
Napanguso ako.
"Come on Zam! I just want to know her name because she's so maganda!" saad ng babae sa propesora at muli akong tinapunan ng tingin.
"I'm Fleur by the way, what's yours?" she asked again.
"Serise po." I formally said.
"How old are you?" she asked.
"20." I answered.
"I'm 24, pwede na." saad niya at kinindatan ako.
Napadaing ito sa sakit ng binatukan siya ng katabi niyang magandang babae na si Penelope.
"Please excuse my cousin, baliw lang yan." saad ni Penelope na sinamaan ng tingin si Fleur.
"Excuse me?!" Fleur dramatically said.
I just chuckled. I saw from my peripheral vision that Professor Salazar is glaring at Fleur right now.
"You're working here?" Professor Salazar suddenly asked.
Napanguso ako.
"Hindi ba obvious, Miss?" tanong ko at ngumuso ulit.
Sinamaan niya ako ng tingin at tinarayan.
Aba! Porke ba gandang-ganda ako sa green eyes niya!
More please.
"You're asking the obvious, Zamira." saad ni Penelope at umiling.
Nagpa-alam na ako sa kanila bago bumalik sa counter at sinabi na tawagin na lang ang pangalan ko kung may kailangan sila.
Habang patuloy ako sa pagta-trabaho ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin kay Miss Salazar sa table nila.
Inaakit ako ng maganda niyang mukha at mga berde niyang mga mata.
Ang ganda talaga ni Miss.
"Uwi na ako, babye!" masiglang paalam ko sa mga ka-trabaho ko.
