AMISELLE SERISE AVELLANO
"Ate Serise, you're one hour and twenty-five minutes late." bungad sa akin ni Zaniya ng makaapak lang ako sa loob ng mansion.
"Oh wait, your lips are swollen," pansin niya sa labi ko at doon nakatuon ang kaniyang mga mata. Nagtataka siya.
"What happened to your lips, Ate?" dagdag na tanong ni Luciana habang may hawak na ballpen at papel.
Umiwas ako ng tingin, nararamdaman ko ang presensya ng girlfriend ko sa likuran ko na nakatayo lang.
Siya ang may gawa nito edi dapat siya ang sumagot!!!!!
"Ano kasi..." saad ko at napakamot sa batok, naghahanap ng magandang excuse. "Nadapa kasi ako kanina tapos nasubsob labi ko." walang kwentang excuse ko.
"That's what happens when a person is being stupid." masama kong binalingan ng tingin si Professor Salazar matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.
Makapagsalita, akala mo hindi siya ang may gawa.
"That's a bite mark." mausisang sabat ni Naomi na ikinakaba ko.
"Bite mark? Sino naman ang kakagat sa labi ng isang tao? Baliw lang?" takang tanong ni Zaniya.
Mahina akong natawa at napakagat pa ng labi. Sa bagay, hindi naman alam ni Zaniya na Ate Zamira niya ang may gawa nito kasi kung alam niya, paniguradong hindi niya sasabihin ang mga salitan iyan.
Napahinto ako sa mahinang pagtawa ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Professor Salazar sa damit ko sa likuran. Hindi iyon nakikita ng tatlong kapreng bubwit dahil nahaharangan ko ng kaunti ang propesora.
Tumikhim ako. "M-magsimula na tayo, mauubos ang oras...." saad ko, pilit na pinipigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Zaniya.
"Oo nga pala, may tutoring session pa. Akala ko nakalimutan mo na kaming tatlo, Ate Serise." ngusong saad ni Luciana na ikinangiti ko.
"Sus, para namang hindi niyo'ko nakikita." saad ko.
"Mahal ka kasi namin," saad ni Zaniya at kinindatan ako. Natawa naman ako dahil sa kanila.
"Yeah, right." pag sang-ayon ni Naomi na may binabasang libro.
"Ay oo nga pala Ate Zamira, nandito pala si Ate Zanaya." saad ni Zaniya dahilan para maki-chismis ako.
"Where is she?" malamig na tanong ni Professor Salazar—Yzariah pala.
I'm calling her Yzariah from now on.
"Sa music room, mukhang inlove." saad ni Zaniya at natawa.
"Do the tutoring session in the library, I'll come by later." saad niya at tinanguan naman ni Zaniya.
Tiningnan naman ako ng propesora at tinanguan ko siya. She slightly smiled at me na hindi nakita ng tatlo bago siya umalis at sumakay sa elevator.
"Uy, sa library daw tayo." pagtawag ni Zaniya sa dalawa.
Inayos ko ang pagkakahawak sa gamit ko. Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator.
"Nandito pala si Ate Zanaya, hindi ko alam." saad ni Luciana.
"Minsan lang naman umuwi si Ate Zanaya rito." ngusong saad ni Zaniya.
Nanatili lang akong nakatingin sa repleksyon ko sa elevator. In fairness, ang linis niya, pwede nang gawing salamin.
"Mukha siyang inlove ngayon ah, once in a blue moon lang." saad ni Luciana at tumawa.
"Feel ko tuloy ang dami ko pang hindi alam sa dalawa kong ate, lalo na kay Ate Zamira." makahulugang saad ni Zaniya at tiningnan ako bago malokong nginitian
