CHAPTER 10

3.2K 83 4
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Bagsak ang mga balikat ko pagpasok ng room namin. Kulang ako sa tulog.

Pagkahatid kasi sakin ni Professor Salazar kagabi ay dapat matutulog na ako pero na-alala ko na meron pala dapat akong tapusin na importante.

Hindi na ako nakatulog dahil 5 a.m na ako natapos at 7 a.m ang pasok.

Nanghihina akong umupo sa upuan ko.

Grabe naman, mukha akong zombie!

"Serise!" tili ni Celestine ng makapasok siya sa room.

"Gosh! You look like a zombie? What happened to you my dearest friend?" she asked dramatically.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti rin ng pagkatamis-tamis.

"Syempre hindi naman pwedeng maganda lang ako! Dapat magmumukha rin akong zombie!" proud kong saad at pumalakpak pa.

Inirapan niya ako. "Siguro noong nagpa-ulan ng katangahan si Lord, nasa gitna ka natutulog." saad nito.

"Siguro noong nagpa-ulan ng kabobohan si Lord, nasa gitna ka sumasayaw." bato ko sa kaniya.

"Hep hep hep! Subukan mo! Susumbong kita kay Tita Celine!" pananakot ko sa kaniya noong babatukan niya sana ako.

"Bakla, sino sila?" tanong ko ng makita ang dalawa niyang kasamang babae.

"Classmate rin natin, new bff na rin." saad ni Celestine at kinindatan ako.

"Hi." saad noong babae na may short hair. "I'm Kaia." saad nito at tila nahihiya sa ganda ko.

Enebe, eke leng ete.

"Hello!" saad noong isang babae na mahaba ang buhok at may bangs. "I'm Sereida" saad nito.

I widely smiled at them. "Hellooww, Ako si Serise!" masiglang pagpapakilala ko.

Iyong babaeng short hair na si Kaia ay ngumiti sakin. Infairness, ang ganda rin nila. Halatang mga bading.

"Ingat kayo kay Serise, demonyita yan." saad ni Celestine sa dalawa.

May bigla akong na-alala sa tiktok.

Sakto at naka-pink si Celestine.

"Alam niyo ba, wala sa impyerno ang demonyo." saad ko at ngumiti ng nakakaloko.

"Sa where?" tanong ni Kaia.

"Nandito, naka-pink!" aliw kong saad.

Nanlaki ang mga mata ni Celestine. "Aba gago 'to ah!" saad niya at natawa naman iyong dalawang bagong kaibigan namin.

Tatakbo na sana ako ng bigla pumasok si Professor Virelle na napakalaki ng ngiti.

Siguro nakiss 'to ng asawa niya.

Hays, ako kaya?

When maki-kiss?

"Good morning!" masiglang bati niya samin.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now