CHAPTER 35

2.1K 41 2
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

"Walang papasok sa loob, may nagtanim ng bomba!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng elevator pabalik sa kwarto namin ni Zamira ay kaagad akong napatigil ng marinig ang sigaw na iyon ni Luigi.

"Lady Serise, lumabas na po tayo." saad sa'kin ni Luigi dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya at dere-deretso sa pagpasok sa elevator.

"Lady Serise anong ginagawa m--"

Hindi ko na tuluyan narinig ang sinabi ni Luigi ng magsimula nang umandar ang elevator. Nanginginig ang mga kamay ko.

Mabilis akong lumabas ng elevator na deretso sa kwarto namin ni Zamira.

Tumulo ang kanina pang mga nagbabadyang luha ko ng makita ko na walang nakahiga sa kama namin. Wala si Zamira rito. Patakbo akong pumasok ng shower room pero wala rin siya.

"Zamira!" I called her name multiple times bago ko naisipang lumabas.

Wala nang katao-tao ngayon dito sa loob, ako na lang mag-isa dahil paniguradong nasa labas na sila nitong hotel ni Zamira.

"Zamira!" I called again, umiiyak na ako.

"Lady Serise!" I looked at Caleb who's running towards me.

"N-nasan si Zamira?"

"She's nowhere to be find, Lady Serise." saad ni Caleb at alertong inayos ang baril niya ng may marinig kaming kaluskos mula sa paligid namin.

"H-hanapin natin si Zamira...." paki-usap ko kay Caleb.

"Hahanapin po namin siya pero kailangan mailabas ka muna namin dito dahil malalagot kami kay mademoiselle." saad ni Caleb.

Umiling ako. "Hindi, sasama ako. Pano kung may nangyaring masama sa kaniya?!" hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw.

"Lady Serise, lumabas ka na po."

"Hindi pwede! Ayoko!" umiiyak kong saad.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit parang may mamamatay ngayon?

"Lady Serise, bumalik ka rito!" sigaw ni Caleb ng patakbo akong lumayo sa kaniya.

Ng masigurong malayo na ako kay Caleb ay tumigil na ako kakatakbo. Bawat kwartong madadaanan ko ay binubuksan ko, nagbabakasakaling makikita ko si Zamira.

"Serise..." lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Celestine malapit sa'kin.

Napalunok ako sa gulat at takot ng makita ang nakatutok na baril sa kaniya. Tiningnan ko kung sino ang may hawak ng baril at natigilan ng makita ang papa niya.

"Ikaw pala ang sinasabi ni Ysmael na dapat mamatay." ngising saad ni Conrad—ang walang kwentang ama ni Celestine.

"T-tito..." nanginginig kong saad sa kaniya.

Mag-isa lang siya ngayon. Hostage niya si Celestine.

"Subukan mong lumapit, sisiguraduhin kong mababasag ang bungo nitong kaibigan mo." saad niya at idiniin ang baril sa ulo ni Celestine.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now