CHAPTER 58

2.2K 49 7
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Nakatulala lang ako sa gitna ng classroom, parang ulam na napabayaan sa kalan. May pa-activity si Zamira—Professor Salazar pala na sobrang tahimik ang lahat—pero hindi dahil sa hirap ng tanong, kundi dahil ang lahat ay busy magpanggap na hindi sila lumilingon sa harapan para silipin ang suot niyang singsing.

Ako? Hindi na ako nagpapanggap.

Tumititig lang ako kay Zamira habang naka-cross legs siya sa swivel chair niya, naka-slouch pa na parang hindi siya professor kundi CEO. Paikot-ikot lang 'yong wedding ring niya sa daliri niya gamit 'yong hinlalaki—kalmado, casual, pero parang nang-aakit.

Wag kang gagalaw, Serise, baka mapansin niyang drooling ka na.

Tangina. Seryoso ba 'to? Habang kami dito struggling sa activity, siya parang nagmo-model sa singsing niya. Pero hindi naman ako nagrereklamo, she looks so goddamn hot and expensive.

Biglang nagsalita si Justine, 'yong future tsismosa ng bayan. "Sorry to ask this Professor Salazar but....is that a wedding ring?"

Hala. Hala. Hala.

Zamira blinked slowly at tinaas ang isang kilay. "Yes. Why?"

Kumidlat agad ang ingay sa room. Akala mo may group presentation na bumagsak.

Ang OA.

"Oh my gosh!" impit na tili ni Crisha. "Are you married, Professor Salazar?" tanong niya, mukhang excited at kinikilig si gaga.

Zamira tilted her head, resting her chin on her palm like some Greek goddess.

Nagulat ako nang marinig ko ang sarili kong "HUWAAT?!" sabay takip sa bibig ko. Napatingin si Zamira sa'kin with a smug little smile. Tangina. Ang bilis ng karma.

"Omg!! Sino 'yan, Professor?!" tanong ni Crisha, kaunti na lang ay babatuhin ko na siya ng ballpen na hawak ko.

"He must be hot!"

"For sure mayaman! Expensive ng ring ni Professor eh!"

"Real! He must be rich!"

"CEO talaga 'yon!" singit ni Karl at tumawa.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Gusto kong tumalon. Hindi para mamatay. Para umiwas muna sa kahihiyan dahil sa mga chismosa at chismosong mga taong ito.

At tsaka ano raw?! He?! Eh sa babae ako!

Tapos rich? Eh isa lang nga akong hampas lupa. Tanggap ko pa ang hot eh!

Napasimangot tuloy ako. Iniurong ko pa ang upuan ko sa tabi ng bintana. Parang ang sarap tumalon ngayon.

"Actually…" Zamira sat upright, her back straight like royalty, habang hinagod niya ng marahan ang coat sleeve niya—parang may gala siyang pupuntahan at hindi lang lecture.

"…she's a woman."

Tahimik.

Tahimik as in tahimik.

Hanggang sa may marahang umubo sa likod.

"Po?" tanong ni Justine, halos pabulong, pero may halong kilig at kaba. Parang tinanong niya kung buntis na ba siya.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now