CHAPTER 57

2K 52 1
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Napakurap-kurap ako dahil sa direktang pagtama ng sinag ng araw sa mga mata ko. Kakagising ko lang kasi.

Kaagad akong napangiti ng makita ang magandang babae na natutulog sa tabi ko. Tumagilid ako ng higa upang lalong makita ang mukha niya.

Kumirot ang puso ko ng makita ko ang maganda niyang mukha. Halata ang pagod sa mukha niya. Marahan kong hinaplos ang isang pisngi niya, tumulo rin ang luha ko kahit nakangiti ako.

"Thank you..." mahinang saad ko. "Thank you for not giving up on me." dagdag ko.

Ang swerte ko. Napaka-swerte ko. Sobrang swerte ko.

Hindi ko maiwasan ang hindi umiyak habang marahang hinahaplos ang pisngi niya. Lumapit ako upang halikan ang noo niya bago tuluyang tumayo. Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa katawan niya.

Nag unat-unat muna ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Napangisi ako.

"Iba talaga kapag alagang Zamira," usal ko sa sarili at natawa.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Zamira para maghanda ng almusal namin dahil papasok pa kami. Professor ko pa rin siya at nasa second year college pa rin ako. Hindi naman ako nanghihinayang na ngayon, halos araw-araw na kaming magiging magkasama.

Nagulat nga ako ng sinabi niyang may bahay na pala kaming dalawa.

Grabe sa pagiging ready.

Nag-aaral na rin ako kung pano magluto para samin. Nakakahiya naman kung fiancèe niya na ako tapos bobo pa rin ako sa pagluluto.

Nangako rin ako sa sarili ko na ako naman ang mag-aalaga sa kaniya.

Ako naman.

Sandali akong napatitig sa lamesa kung saan nakahanda ang mga pagkain na ihinanda ko.

Adobo, hotdog at...

Ginataang hotdog....??

Napanguso ako.

Nagsisimula pa lang naman kasi akong mag aral kung pano magluto. Sa susunod nga, magpapaturo ako kay Mama tsaka kay Mommy Yza.

Lumapit ako sa ginataang hotdog na niluto ko. Hindi ko rin alam kung pano ko naluto ang isang 'to, basta ang alam ko kanina nag fe-feeling chef ako.

Kumuha ako ng isang kutsara at kumuha ng kaunting sabaw para tikman-na kaagad kong pinagsisihan.

Sunod-sunod akong napa-ubo, tumakbo rin ako sa lababo upang sunod-sunod na dumura.

Ang alat!!!!

Naluluha na ako dahil hindi mawala sa dila ko 'yong lasa. Bakit ganito? Naglagay lang naman ako ng toyo at suka na halos maubos 'yong lagayan nila tapos dalawang kutsara ng asin. May kung ano-ano pa akong nilagay na hindi ko na alam kung ano ang tawag.

Umubo ako pagkatapos kong uminom ng tubig. Napatingin ako sa mahabang hagdanan sa bahay namin ng makarinig ng mga yabag.

Kaagad akong napatakbo sa dining area namin ni Zamira at inayos ang mga pagkain.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now