CHAPTER 6

3.1K 80 0
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto nila ang babae sa harapan namin ngayon na kumakanta.

Hindi lang dahil sa maganda siya ay napakagaling din kumanta. She has this blue eyes too. Maputi siya, matangkad at may mahabang itim na buhok na abot hanggang bewang niya.

"Ang ganda niya kyahh!"

"Zanaya!"

"Zanaya!"

"Zanaya!"

Hiyawan na naman nila ng matapos itong kumanta. Wala akong naririnig na kahit ano maliban sa mga hiyawan nila.

"Cr lang ako." paalam ko kay Celestine.

"Samahan na kita." saad nito at akmang tatayo.

Umiling ako at pinigilan siya. "Oa, babalik pa naman ako." saad ko na natatawa.

"Over there ang cr, bumalik ka kaagad ha!" saad ni Celestine at tumango na lang ako.

Hindi naman talaga ako mag c-cr. Gusto ko lang makalabas dahil nasu-suffocate ako sa loob.

Naiingayan din ako. Knowing na i'm scared of loud noises. Kanina pa nanginginig ang kamay ko. Hindi naman 'to alam ni Celestine and i'm not blaming her for bringing me here.

I'm profoundly thankful pa nga kasi nakarinig ako ng magandang boses na kumakanta.

Nahihirapan akong dumaan. I tried to say excuse me but they didn't seem to hear me. Hirap na hirap ako at hindi ko masyado makita ang daanan. Tanging flashlight na mula sa cellphone ng fans at led lights lang na nagmumula sa stage ng stadium ang nagsisilbing liwanag dito.

I gasped ng may biglaang humila sakin ng tuloy-tuloy upang makaalis ako sa pwesto ko.

Hindi na ako nanlaban, hindi ko rin naisipan na dadalhin niya ako sa kung saan dahil nga desperada na akong makaalis sa loob.

"Are you okay?" her deep voice asked me.

Yes, her. It's a goddamn woman.

"Thank you so much." I said, habol ang hininga.

I can't clearly see her face dahil na sa madilim na part kami ng stadium. Hindi na rin masyadong maingay dito kaya sigurado ako na nasa labas na kami.

"No worries, be careful next time." she said in her deep voice.

Nakaka-akit ang lalim ng boses niya. Napapalunok na lang ako.

"What's your name?" she asked.

Should I tell her? She's kind naman siguro, 'di ba? Kasi kung hindi, hindi niya ako hihilahin doon at tutulungan na makaalis.

"Full name?" I asked and smiled.

Nasisinagan ako ng kaunting liwanag mula sa lights sa loob ng stadium kaya paniguradong nakikita niya ang malawak kong ngiti. Siya lang ang nasa parte ng sobrang dilim.

She chuckled and damn, I was too stunned to speak!

"It's up to you." she said.

Jusko, ang kabaklaan ko.

"S-serise.... i'm Amiselle Serise Avellano." I said. Nauutal pa.

"Serise, hmm? Such a pretty name." she said.

Nararamdaman ko ang pamumula ng pisnge ko.

"I'm going now, nice to meet you, Serise." she said and patted my head.

"W-wait! What's your name?" I asked.

She chuckled. "Yzariah." she answered. I heard her footsteps palayo sakin dahil sa suot nitong heels na tumutunog bawat lakad niya.

Yzariah?

Ang duga! Hindi full name!

Hindi ko manlang nakuha ang fb niya, hays. Ang saklap.

Nakanguso ako habang inililibot ang mga mata ko sa paligid ko. Parang ayaw ko nang bumalik sa loob. Nasu-suffocate lang ako.

Makikita ko kaya ulit siya? Infairness, ang ganda ng pangalan niya!

Sana makita ko pa siya.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now