AMISELLE SERISE AVELLANO
Nagising ako sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko na galing sa bintana ng hospital room ko.
Nasa hospital ako ngayon at hindi ko ma-alala kung bakit. Wala rin akong ma-alala na kahit anong nangyari kung bakit ako nandito sa hospital.
"Serise? Oh my god, Tita Serine!"
I covered my ear using my both hands when Amethyst screamed after seeing me.
"Ano ba 'yon Amethyst? Ang ingay mo tala--Ay jusko!"
Napakunot ang noo ko ng makita ang mama ko na nabitawan ang isang tray ng pagkain ng makita niya ako.
Umiiyak siyang lumapit sa'kin bago ako hinawakan. "Anak, gising ka na!" umiiyak na saad ni mama habang ako naman ay nagtataka lang na nakatingin sa kaniya.
"May masakit ba sa'yo nak? Sabihin mo sa'kin..." saad ni mama.
Umiling naman ako. "Anong nangyari?" tanong ko at tiningnan si Amethyst na naka-uniform pa ng BSEd course uniform sa S.N.U, kahit siya ay umiiyak na rin.
"May na-aalala ka ba?" lalong kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni mama.
"Ma naman, magtatanong ba ako kung may na-aalala ako?" medyo inis kong tanong.
Natigilan si mama sa sinabi ko. Bakas ang gulat at pangamba sa mga mata niya. "A-anong na-aalala mo?" tanong na naman ni mama kaya naman nainis na ako.
"Mama, parang sira. Wala nga akong ma-alala eh..." pigil inis kong saad.
Nalilito na rin ako.
"Serise, anak..." tawag ni mama, ito na naman 'yong mga nagbabadya niyang luha.
"T-tatlong taon ka nang comatose." saad ni mama at tuluyan na namang umiyak.
Dahil sa sinabing iyon ni mama ay lalo akong natulala sa kawalan.
Tatlong taon...
Tatlong taon na akong natutulog?!
Anong nangyari sa'kin?
****
"Serise." lumingon ako kay Amethyst na tinawag ako.
Nakatulala ako ngayon sa puntod ng isang babae.
Si Celestine.
Walang humpay akong umiiyak habang paulit-ulit na tinitingnan ang isang puntod ng babae na pinakamatalik kong kaibigan.
"P-pano...." hindi makapaniwalang tanong ko kay Amethyst pero imbes na sagutin ako ay niyakap niya ako at sabay kaming umiyak.
****
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
The Death :
(A month after the hotel incident)
Nakangiti si Celestine ngayon pababa galing sa apartment niya. Sobrang saya niya ngayon dahil uuwi ang Mommy Celine niya at sa susunod na buwan ay ikakasal na sila ng nobya niyang si Penelope.
Hindi maikakaila ang saya sa magkasintahan at makikita mo talaga kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Ngunit mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Celestine ng makita niya ang isang pamilyar na mukha.
