CHAPTER 18

2.7K 63 0
                                        

AMISELLE SERISE AVELLANO

Hindi ko alam kung ayaw ba talaga sa'kin ng mundo o kung malas lang talaga ako sa buhay ko. Bigla kasing umulan at malayo pa ako sa university. Inis akong napa-irap at napasimangot ng lalong lumakas ang ulan. Kung kailan meron akong payong hindi uulan, at ngayong wala akong payong tsaka naman umulan! Grabeng buhay 'to.

Mabuti na lang talaga na may coffee shop malapit dito sa pinaghintuan ko. Pumasok ako sa loob, sakto at magkakape na rin muna ako. Ang lamig dahil sa lakas ng ulan at hangin. May bagyo pa nga ata.

Tapos hindi manlang suspended, ano kami rito? Waterproof?!

Naiinis man ay kalmado akong lumapit sa counter para umorder ng pwede kong makain. Matapos kong sabihin ang order ko ay naghanap ako ng pwesto. Doon ako mismo pumwesto sa isang table na dalawang tao ang pwedeng umupo at tapat na tapat sa mismong entrance door ng coffee shop kaya naman mabilis mong makikita kung sino ang papasok at lalabas.

Napakunot ang noo ko sa hindi malamang dahilan ng marinig ko ang intro ng kantang Wherever You Will Go by The Calling.

~So lately, been wondering
Who will be there to take my place
When I'm gone you'll need love
To light the shadows on your face~

Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang ako sa pintuan na para bang may hinihintay na pumasok.

Nababaliw ata ako. Hmph!

~If a great wave shall fall and
fall upon us all
Then between the sand and stone
Could you make it on your own~

Dumating na ang order ko. Isang frappe coffee at dalawang slice ng chocolate cake.

Nag-angat ako ng tingin sa pintuan ng bumukas iyon. Napako ang mga mata ko ng pumasok ang isang babae na hindi ko inaasahang makita rito.

~If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go~

Nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Professor Salazar rolled her eyes on me the moment she saw me. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

~And maybe, I'll find out
A way to make it back someday
To watch you, to guide you
Through the darkest of your days~

Professor Salazar stood tall, her height alone commanding attention the moment she entered the coffee shop. Draped in a perfectly tailored women's business suit, deep charcoal gray with a cinched waist and sharp lapels. She exuded authority and confidence.

Her crisp white blouse peeked beneath the blazer, buttoned high and unwrinkled, the collar structured like her every movement. Her black pencil skirt hugged her figure with elegance, ending just below the knee, paired with sleek, pointed stilettos.

Perfection.

~If a great wave shall fall and fall
upon us all
Then I hope there's someone out there
Who can bring me back to you~

I automatically looked away when she started walking towards me. Naagaw niya ang atensyon ng ibang tao na nandito sa coffee shop, halatang namamangha sa ganda ng propesora ko. May iba pang tila gustong lapitan ang propesora at hingiin ang pangalan at number niya.

The Shattered Memories Where stories live. Discover now