AMISELLE SERISE AVELLANO
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa malambot kong kama. Tabi dapat ulit kami ni mama na matulog pero sinabi ko sa kaniya na okay na ako rito at kaya ko na ulit matulog ng mag-isa.
Pero ito ako ngayon, hindi makatulog dahil minumulto ako ng mukha ng propesora kanina.
Professor Yzariah Zamira Salazar.
Paulit-ulit na binabanggit ng utak ko ang buong pangalan niya. Bawat pikit ko ay nakikita ko ang mukha niya. Ang mas nakakapagtaka pa dahil nakikita ko rin siya na kasama ako.
I closed my eyes again for the nth time pero kaagad ding namulat at nararamdaman ko ang pag-akyat ng mga dugo ko papunta sa mukha ko. Now, my face is green.
I saw her in my head while she's kissing me!
"Ano ba 'yan...." reklamo ko at umupo.
Napapikit ako sa inis.
Kilala ko ba siya?
May namamagitan ba samin?
Anong meron?!
Sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko ng unan ang ulo ko. Kaagad din akong huminto ng makaramdam ako ng pagkahilo. Iginaya ko ang mga mata ko ng makita ang brown envelope na nasa study table ko.
Galing daw kay Celestine ang brown envelope at para sa akin daw talaga iyon.
Muli na naman akong nalungkot at naramdaman ang mga nagbabadyang luha ng mahagip ko ang sulat ni Celestine para sa'kin.
Pupunas-punas pa ako ng luha ko habang inaabot ang brown envelope. Ng mahawakan ko iyon ay tila ba na-doble ang sakit na nararamdaman ko.
Ano bang laman nito?
Binuksan ko ang brown envelope kahit nagdadalawang isip pa ako. Kaya pala makapal ang envelope dahil may mga folder iyon. Dalawang folder ang laman pero makakapal.
The files were scattered, all marked with the dreaded initials "Y.R."—Ysmael Rivas. As I saw the initials and the name, nakaramdam kaagad ako ng takot sa hindi ko malamang dahilan.
One particular folder caught my eye.
PROJECT MNEMOSYNE – MEMORY RECONFIGURATION AND CONTROL EXPERIMENTS
The title alone sent a chill down my spine. Sunod na bumaba ang mga mata ko mga nakasulat.
Classification: Ultra Confidential
Status: Terminated (publicly), Ongoing (covert)
Lead Scientist: Dr. Ysmael Rivas
Primary Test Subject: YZSR-001 (Yzariah Zamira Salazar Rivas)
Sa hindi malamang dahilan ay humigpit ang pagkakahawak ko sa papel matapos mabasa ang pangalan ng taong kanina pa ako mimumulto sa isipan ko.
Professor Salazar....
Ysmael Rivas....
My tears started streaming down and I closed my eyes. Biglaang sumakit ang ulo ko.
"Your dad is good at solving cases like he was some sort of superhero." the man said while looking at me.
"Tingnan natin kung maligtas ka niya."
"Ysmael, wag mong idamay ang anak ko sa kahayupan mo!"
"Bakit Amiro? Natatakot ka ba na baka makalimutan ka ng anak mo?"
"Ysmael, pakawalan mo na sila!"
"Hindi mo ako pwedeng utusan!"
Kaagad kong iminulat ang mga mata ko at sunod-sunod na paghikbi ang ginawa ko.
