Eros POV
"Yaya ano po yan??"
"Ah ito ba?? Mga lumang magazines to..bakit?"
"Pwede po akong patingin??"
"Sige..."
Mga magazine ni daddy? Tapos madami syang pictures dito.
"Yaya?? Pwede po akin na lang ito? Kasi ni isang picture ni daddy wala po ako eh."
"O sige..."
"Talaga pooo~"
Totoo yun ni isang picture ni daddy wala ako, pero ngayon meron kahit na mga luma at galing sa mga magizines malaking bagay na yun para sa akin.
---
"Eros tulog ka na, gabi na oh." sabi ni yaya.
"Iintayin ko po muna si daddy."
"Baka mamaya pa sya uuwi, sige na matulog ka na."
"Sandali na lang po..."
"Hayy, sige na nga.." sabay tayo mula sa sofa.
Palagi na lang ba akong mag-aantay sa kanya? Ganito ba ako palagi? Pag mag ta-tyaga ba ako, mapapansin na ba ako ni daddy??
-after an Hour-
*Door opens*
*Door closed*
"Daddy?? daddy~" sabay takbo papalapit sa kanya. Gusto ko syang yakapin, halikan tapos sasabihin na, miss na miss ko na sya. Pero natatakot akong sabihin yun sa kanya kasi alam ko magagalit sya.
"Daddy kumusta po sa office nyo??"
"Daddy pagod ka po ba??"
"Daddy kumain ka na po, gusto mo ba na ipag hahanda po kita ng pagkain??"
Sunod- sunod na tanong ko at sya naman dire-diresto lang papunta sa kwarto nya, ni hindi man lang nya ako pinansin.
"Daddy hanggang kailan mo ba ako babalewalain??" bulong ko...
"Eros matulog ka na, baka pagod lang ang daddy mo..." sabi ni yaya papalapit sa akin mula sa kusina, pero alam kung na dinig nyaang mga sinabi ko.
"Opo..."
Alam ko iba ako sa ibang bata, sila masayang nag lalaro. Ako?? Gumagawa ng paraan para magustuhan lang ng daddy ko. Masaya na akong nakikita ko dito sa bahay si daddy. Masaya na ako na kinakausap si daddy, kahit alam ko na hindi sya nakikinig.
Masaya na ako na sa kunting oras at sandali na naririto sya na kakasama ko parin sya. Kuntinto na ako dun, na gusto ko mang makasama sya at sabihin sa kanya na, mahal na mahal ko sya. Alam ko imposibleng mangyari yun dahil galit sya sa akin, na kahit anong gawin ko balewala pa din para sa kanya.
"Daddy sana andito ka sa kwarto ko, sana puntahan mo man lang ako dito bago ka matulog. daddy, kailan mo ba ako matatanggap."
*sniff*sniff*
Kailan ko ba mararanasan ang isang masayang pamilya....
----
A/N : Sa kung sinuman po ang may gusto ng dedication ipm lang nyo po ako, sa mga gusto lang naman po...
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?