Ten

24.1K 478 8
                                    

Eros Pov

"Hello po, Mang Gaspar." Masayang bati ko sa secretary ni daddy. Kausap ko kasi sya ngayon sa phone. Kasama kasi sya lagi ni daddy sa mga business trip nya.

'Hello din po, Young master.' Bulong nya.


Mula nung malaman nya na anak ako ni daddy. Young master na ang tawag nya sa akin pero patago nya akong tinatawag ng ganun.


Nakakalungkot mang isipin. Sila yaya lang at si mang Gaspar ang nakakaalam ng tungkol sa akin. Diba sabi ko noon ayaw ni daddy na, may nakakaalam na anak nya ako.

"Mang Gaspar, nandyan po ba si daddy?" Tanong ko.

'Wala  sya ngayon dito eh, hindi pa kasi tapos ang coferrence nya. Bakit may sasabihin ka ba sa kanya?'


"W-wala naman po...gusto ko lang naman, malaman kung kailan po kayo uuwi?" Alam ko naman na ilang araw pa lang sya dun pero-

'Hindi ko pa kasi alam kung kailan matatapos ang mga conferrence nya rito. Pero pagpa uwi na kami, sasabihin ko sa'yo.' Alam ko naman 'yun eh, na sasabihan din nya ako.


'Ay nga pala, goodluck sa foundation day nyo ngayon dyan ha?'

Ang sabi nila yaya gabi pa daw ngayon sa pinuntahan nila daddy. "Ganun po ba? Sige po thank you po." Ngayong araw naman, foundation day na namin.

-

"Naka usap mo na ba ang daddy mo?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si tito doctor pala. Yun kasi ang gusto nyang itawag ko sa kanya. "Hindi po.." malungkot na sagot ko. Katatapos lang kasi ng program namin dito sa school.

At natapos din ang foundation day namin, na umaasa parin ako na pupunta sya. Na alam ko naman na, napaka imposibleng mangyari. Kinausap din nya pala sila yaya na sya na lang daw ang sasama sa akin.

"H'wag ka ng malungkot, madami pa namang programs ang school nyo diba? Na pwedeng pumunta ang daddy mo?" Napangiti ako sa sinabi nya sa'ken. Tama.

-

"Tito, pwede po ba ako magtanong?" Nasa kotse na nya kami nung nagtanong ako. "Ano 'yun?" Diretso lang ang tingin nya sa daan nung sumagot sya. "Bakit ka po mabait sa'ken?" Hindi naman kasi 'to gagawin ng ibang tao eh.


"Hmm...wala lang. Ayaw mo ba?" He asked.

"Hindi naman po." Sagot ko.

"Oh? Bakit malungkot ka parin? May gusto ka pa bang itanong?" Diretso parin ang tingin nya sa daan.

"Tito, ano po ang feeling na love ka po ng daddy mo?" Buti na lang nakaseatbelt ako, bigla na lang kasi syang nagbrake.

"Eros..." He look at me straight to my eyes. At ito ang unang pagkakataong nakita ko syang seryoso, mula nung una kaming nagkakilala. "....ang totoo kilalang kilala ko ang daddy mo." Kung ganun.



"Kaibigan ka po ni daddy? Ibig sabihin po sinabi ni daddy sayo na may anak na sya? Na anak nya po ako?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang kasi naranasan na makilala ako ng ibang tao na si daddy pa mismo ang nagpakilala sa akin, tapos kaibigan pa nya. Ang saya ko. "Tito, kung ganun kilala mo din ang mommy ko?" Tanong ko ulit nung hindi sya sumagot.



Caleb's Pov



'Ibig sabihin po sinabi ni daddy sayo na may anak na sya? Na anak nya po ako?'

'Kung ganun kilala mo din ang mommy ko?'


Sunod sunod nyang tanong. Gago ka talaga Shin Standford, kung makikita mo lang ang reaction at hitsura ng anak mo ngayon. Papaano ka naging ganito kamanhid sa kanya?

Kahit ilang beses mong itangging anak mo sya. Hindi mababago nun ang katotohanan na sya ang tunay mong anak. Imbis na sagutin ang mga tanong nya, ginulo ko na lang ang buhok nya.



H'wag kang mag aalala hindi ako naniniwala na masamang tao ang mommy mo...dahil alam ko katulad mo rin sya. Katulad mo rin syang, uhaw sa tunay na pagmamahal.



---

A/N : Waley ang UD masakit po kasi ulo ko, babawi na po ako next UD. :'(

My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon