Forty - Seven

26.3K 458 32
                                    

Eros Pov

Ang boring naman dito. Kung dati natutuwa ako pag nandito ako, pero ngayon. Parang ayoko na.

Paano ba naman kasi nandito ako sa clinic ni tito Caleb at parang nagbago na sya. . .

"Tito Caleb, pwede po bang magtanong??" Dati si tito Caleb laging masaya pero ngayon ang seryoso na nya.

"Nagtatanong ka na diba?" See?

"Ano po bang nangyari kay tita Ellena?" Ayoko ko kasing itanong kay daddy at mommy kasi baka magalit sila.

"She's sick."

"Pwede ko po ba syang makita??" Gusto ko lang naman malaman kung okay lang sya, eh.

"HINDI PWEDE!! MAGAGALIT ANG DADDY MO!!"

O_O

*sniff*sniff*

"Di naman po ako bingi, bakit nyo po ako sinisigawan..." Huhuhu.


-Kinabukasan-

"Kiddo, wake up."

Ayaw ko pa gumising, gusto ko pa matulog. Eh.

"Eros Kiel??" Biglang nawala antok ko dahil sa pagtawag ni daddy sa buong pangalan ko.

*pout*

"Gising na po akooo~ hihihi." Masayang sabi ko. Kahit na mahapdi ang mga mata ko.

At antok na antok pa ako.

"Good-" Eh? "Bakit, daddy??" May dumi kaya ako sa mukha?? Titig na titig kasi sya sa akin, eh.

Tapos may kinuha syang maliit na salamin at binigay nya sa'kin.

"Look at your face."

Bakit...? Anong nangyari...? Huhuhu.

"Daddy 'yung mata ko. Kinagat po ng maraming langgam. Namamaga po. Huhuhu~ "

"Then, stop crying so those ants will not bite your eyes again."

Kung ganun pag umiyak ako aakyat 'yung mga ants papunta sa mata ko tapos kagagatin nila? Si tito Caleb kasi, eh sinigawan ako.

*sniff*sniff*

"Okay, daddy.. ." Di na ako iiyak.

-

"Ano po ang mga 'to??" Nakisilip kasi ako sa mga picture ni daddy. Pero di naman nya pictures nung baby pa sya.

Lagi na lang syang nagtatrabaho.

"Daddy, bakit po kayo may ganitong pictures??" Puro naman 'to kuha sa labas ng coffee shop. Tanda nyo 'yun??

Yung sa labas ng company ni daddy?? Tapos dun ko din nakilala si tita Ellena.

"Do you want that coffee shop??" Oo naman no. Ang ganda kaya dun. Bakit kaya??

"Opo..." Ang moody ni daddy. Nagiging seryoso na naman sya. Di kaya. . .

"I want that coffee shop. I will buy it." Nabigla ako sa sinabi ni daddy. Bakit nya bibilhin 'yun??

ANO!?!? Ibig sabihin pag binili ni daddy 'yung coffee shop. Hindi na ako pwedeng pumunta dun?? Pano na ang mga naging friends ko dun. Pano na si ms. Maganda??

At isa pa. . .

"Ayoko po. . ." Nagulat ata si daddy sa sinabi ko. Totoo naman di ako papayag.

"What??" Kahit anong mangyari hindi ako papayag.

"Hindi ko po ipinagbibili ang coffee shop. Akin lang 'yun." Maya-maya nakita ko na lang si daddy na ngumiti.

*pout*

"So, you are the mysterious owner. Huh??" Tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

Eh?

"Hindi ko po ibibigay sayo 'yun. Sabi  ni mommy akin daw po 'yun." Sabi ni mommy matagal na 'yung coffee shop, nung hindi ko pa daw sya nakilala.

Pero hindi naman nya sinabi kung bakit meron syang ganun, eh.

Tapos dati lagi akong nandun. Pag gusto kong makita si daddy at pag nagdadala ako ng baon ni daddy dati dun din ako pumupunta.

"Bakit po ba kasi gusto nyong bilhin 'yun?" Wala naman kasi akong alam sa business. Tapos gusto nyang bilhin, eh bata pa kaya ako.

Hindi pa nga ako gaanong marunong bumasa at sumulat.

"Because of her." Her?

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan, daddy. Tapos nage-english po kayo." Ang hirap naman kasi nage-english sya. Minsan ang hirap nyang intindihin.

*sigh*

"Fine. This-the coffe shop, I will buy it for your mommy. A-and tss para may rason na akong pumunta dun coffee shop." Ahihihi. Pagka sabi ni daddy nun. Bigla syang nagblush.

"Tsk! Stop laughing." Tapos bumalik naman si daddy sa pagiging seryoso. At bumalik na naman sa ginawaga nya.




"Daddy, love nyo po ba si mommy?" Tanong ko.

"Yes."

"Eh, ako po. Love nyo na po ba ako??"


Tanong lang naman 'yun diba? Bakit umiiyak si daddy?

Bad ba yung tanong?

--

A/N : Lame? Sorry ang hirap pala ng POV ng isang bata. TT^TT

Magpapateaser ako. . .

****

TEASER: Next Chapter

Eros : Mamang taxi driver, ilang taon ka na po?

Taxi Driver : Hahaha. 60 yrs. Old na ako, hijo.

Eros : 60 yrs old? Ibig sabihin po matanda ka na po. . .

Taxi Driver : Hindi naman gaano.

Eros : Matanda ka na. Dapat po hindi ka na nagw-work. Kasi po Dual Citizen na po kayo, eh.

Taxi Driver : Hahaha. Dual Citizen?

Eros : Opo. Dual Citizen po, Sinior Citizen at Filipino Citizen. . .





My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon