Eros Pov
'5:45 PM?'
Kanina pa ako naghihintay dito pero wala pa din sya. "Eros, pumasok kaya muna tayo dun sa loob, Para hindi ka malamigan." Si yaya Sionne kasama ko kanina pa.
Nakaupo kasi ako dito sa harap ng bahay at naghihintay sa kanya. Hindi naman kasi sya umo oo sa hiling ko eh. Pero sana dumating sya kahit ngayon lang.
"Maghihintay lang po ako dito sa labas baka po dumating sya." Sabi ko. Kahit na hindi ako sigurado kung dadating sya.
Malapit ng dumilim nung biglang may dumating na sasakyan at huminto sa harap ko.
"Get in." Sabi nya sa malamig na boses. 'Daddy, dumating sya.' Sa isip ko.
Pagkatapos pumasok na ako sa loob at hindibko muna iisip ang mangyayari sa'ken bukas. Ito ang una at huli ko na makasama syang mamasyal.
Iisipin ko na lang na masaya sya at ginagawa nya 'to para sa'ken. Para maging masaya ako.
-
"Ang sayaaaa~!!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw kasi ang sayang sumakay sa mga rides dito. Pero dun lang ako sa mga pambata, t'wing sasakay ako.
Laging ko sya tinitingnan kasi baka bigla na lang nya akong iwan. Paglingon ko sa kanya. Halatang na aasar na sya at naiinip.
"Tsk!" Sabi nya.
Alam ko naman na hindi sya mage enjoy, eh. Ako lang 'yung pinipilit ang sarili sa kanya.
"Upo muna po tayo." Sabi ko sa kanya. At niyaya syang umupo sa isang bench.
"Ito po, oh. Juice po at sandwich." Abot ko sa kanya nung bigay kong baon. Nagpabalot ako sakanila yaya kanina ng pagkain. Kasi nahihiya ako sa kanyang humingi ng pera para pambili ng pagkain.
Akala ko hindi nya kukunin ang binigay ko sa kanya. Pero nung ibabalik ko na sa bag ko, kinuha nya na lang bigla at kinain.
Napangiti ako dahil sa ginawa nya, kahit papano may tinanggap sya na ako ang nagbigay. Inilibot ko ang paningin ko, ang daming ilaw kasi gabi na. Nakatingin lang ako sa mga tao na masayang namamasyal.
Ito 'yung pangarap ko na makasama ko si daddy dito. Na tahimik lang na kumakain sa tabi ko at mainit ang ulo.
*flashbacks*
Pagpasok namin sa loob ng amusement park, ang daming tao. Nakakatakot na baka bigla akong mawala. Gusto kong hawakan ang kamay ni daddy pero baka magalit lang sya sa'ken.
Nung nagkasiksikan na, akala ko mahihiwalay na ako sa kanya. Pero nagulat na lang ako nung may kamay na bigla na lang akong hinawakan ng mahigpit.
Pagtingin ko si daddy, hindi man sya nagsasalita at hindi nya ako tinitingnan. Alam kong hindi nya gusto ang ginagawa nya.
Naglakad lakad na kami nung makita ko ang isang Merry Go Round. Yung maraming kabayo paikot ikot.
"Yun po, ooooohhhh~!! Dun po tayooo~!!" Tapos hinila ko sya palapit dun. Pero bigla na lang nyang hinampas ang kamay ko. Tapos narinig ko ang mga tao na nagbubulungan.
'Ang sama naman nya para gawin nya yun sa anak nya.' Narinig kong sabi ng isang matandang babae sa kasama nya.
'Oo nga, alam naman nyang bata ang kasama nya kaya natural magkukulit yan' Sagot ng kasama nung matanda.
Napatungo na lang ako, kung alam lang nila. Na pinilit ko lang syang pumunta dito kasama ako.
*End of Flashbacks*
Hindi ko na lang pinansin lahat nangyari kanina kasi gusto kong magkaroon ng magandang alala kasama sya. Kahit ngayong araw lang.
"Uwi na po tayo." Tinitingnan ko kasi alam ko na kanina pa nya gustong umuwi at busy din sya.
Tiningnan lang nya ako sandali tapos naglakad na sya paalis. Sinundan ko sya hanggang sa napadaan kami sa mga stall ng mga games.
May baril barilan tapos yung iso-shoot ang bola na parang basketball. Yung iba naman yung tinatawag nila na photo booth, gusto ko din ng ganun na makapaglaro ako nun.
Pero sa susunod na lang, pero pagbalik ko siguro dito hindi ko na sya kasama.
"Stop staring at that photo booth, we're not going in there and walk faster?" Sabi nya. Naiiyak ako t'wing maalala ko na hindi ko na sya makakasama.
Nung nasa kotse na kami pauwi, tahimik lang syang nagda-drive. Lagi kong hinihiling na sana lagi na lang kaming magkasama para masaya.
"You can get out now." Sabi nya nung bigla syang nagsalita. Pagtingin ko sa labas nasa tapat na kami ng bahay. Pero kasi gusto ko pa syang makasama. Huhuhu.
"Thank you po sa birthday gift nyo sa'ken." Hindi ko na tiningnan ang reaksyon nya at dali daling lumabas ng kotse. Tapos sinalubong ako nila yaya Pearl at yaya Sionne sa living room.
"Yaya..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nung sinalubong nila ako ng yakap. Huhuhu.
"Bakit umiyak ang birthday boy namin? May nangyari ba?" Tanong sa'ken ni yaya Sionne. "Wala po...masaya lang po ako kasi nakasama ko po si daddy ngayon birthday ko." Sabi ko.
*sniff sniff*
Sabi kasi nila, hindi nya daw alam ang date ng birthday ko. Huhuhu.
'Happy Birthday to me...'
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?