Twenty

24.2K 460 10
                                    

Shin's Pov


'Sir, they are interested with your offer.' He said on the other line. My attorney.




"Good and I want it ASAP, understand?"





'Yes, Sir.' And then he hung up.




I gritted my teeth while scanning my room. According to my plan everything' s perfect. What a fvcking idea.




"Anong ibig mong sabihin?" Yaya Pearl ask me in disbelief written all over her face while entering my room.




***


Eros Pov



Papunta ako sa kwarto ni daddy para ibigay ang gamot sa mga napaso, nung may narinig akong nagtatalo. Si yaya Pearl, si yaya Sionne at si Daddy.




'Wala kayong pakialam kung ipapa-adopt ko ang batang 'yun!' Medyo mataas ang boses ni daddy.




'Nagkakamali ka. Kung ikaw walang pakialam sa kanya kami, MERON!' Si yaya Pearl. Bakit sila nag aaway?




'Kung ipapa-adopt mo sya. Bakit hindi mo na lang sya ibigay sa mommy nya.' Si yaya Sionne. Nakikinig lang ako sa kanila.




'Para ano? Para maging masaya sya? At ako nagdudusa dahil sa kagagawan nya?!' Halata sa boses nya na ubos na ang pasensya nya. Kung ganun ibibigay ako ni daddy sa kung sino?




'Wala ka na ba talagang awa? Pati ang bata na walang kasalanan sayo dinadamay mo! Ibibigay mo na lang sa kung si--'




Natigil lang sila sa pagtatalo nung bigla akong pumasok. Sila Yaya biglang namutla kasi alam ko na, alam nila na narinig ko ang pagtatalo nila. Si daddy naman hindi man lang nagbago ang mukha nya, gaya parin ng dati walang emotion.



"Eros.." Tingnan ko lang si yaya Sionne.



"Hindi ko po sinasadya na marinig ang pinag uusap nyo...." I force myself to smile at them. Tapos lumapit ako ng kunti kay daddy. "...gusto ko lang po ibigay sayo 'tong gamot para po sa napaso nyong kamay."




Alam ko naman na hindi nya tatanggapin kaya ako na mismo ang naglagay sa table nya ng gamot. Tapos walang lingod-likod akong tumakbo papunta sa kwarto ko.



-Kinabukasan-



Mabigat ang loob ko habang naglalakad pauwi ng bahay galing school. Nung biglang may humintong sasakyan akala ko si tito Caleb pero hindi.




"Get in." Si daddy. Nagulat ako sa sinabi nya first time ko sumakay sa kotse nya. "Don't make me reapet myself twice." Dali dali ako pumasok kasi may galit sa boses nya nung hindi pa ako pumasok kotse.



"San po tayo pupunta?" Tanong ko pagka upo ko sa tabi nya. Sya kasi ang nagda-drive. Habang tiningnan ang loob ng kotse nya. Ang sobrang ganda at ang gara.




"Tsss..." Yun lang ang sagot nya. Ibig sabihin wag na akong magtanong. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. Nakalabas na pala kami sa subdivision namin.




At paminsan-minsan tinitingnan ko sya at ang kamay nya na nakabenda. Hindi sya nagsasalita at diretso lang ang tingin nya sa daan. At para bang nakalimutan nya na kasama nya ako.



Sana maranasan ko din ang mahalin ni daddy katulad kay Vince. Ano kaya ang pakiramdam ni Vince na mahal sya ni daddy? Ang saya nya siguro.



Nagulat na lang ako nung bigla syang huminto at biglang bumukas ang pinto sa may kanang bahagi ko. At biglang may lalaki na matanda ang nakatayo sa labas.



"Ikaw na ang bahala." Sabi nya na hindi man lang lumingon sa amin.



"Yes, Sir." Sagot nung matanda. Hindi ko maintindihan at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.




"Da-Mr. Shin.." Hindi ko na ba talaga sya pwedeng tawaging daddy? "..bakit po tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. Nakarating kasi kami sa isang restaurant na maganda.



"Get out and follow him." Lumabas ako at sinunod ang utos nya hindi ko alam kung bakit nya ako dinala dito.




"Ikaw si Eros Kiel VanWalker diba?" 'VanWalker?' Tumango ako. "...ako si Atty. Cabral, may gustong makipagkita sayo." Eh?




"Sino po?" Simpleng tanong ko sa matanda. "Basta." Yun lang ang sinabi nya at hinawakan nya ang kamay ko papasok sa loob ng restaurant.



Nasa loob na kaming dalawa at papalapit sa isang table.




"Ma'am, gusto ko pong ipakilala si Eros Kiel VanWalker..." Magalang nyang sabi sa isang matandang babae. Mukhang mas matanda ang babae kesa sa kanya. "...Eros, mag-Hi ka sa kanya." Sabi nya sa akin.




"Hi." Bakit ganun. Bakit parang may kakaiba dito. Nakatingin lang sa'ken ang babae at ako naman ay tahimik lang na umupo at nakikinig sa pinaguusapan nila.




Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na kami agad. Akala ko umalis na sya at iniwan nya na ako pero hinintay ny padin ako. Dapat ba akong maging masaya? Dahil hinintay nya ako?




-



Hatinggabi na at nandito ako ngayon sa kwarto ni daddy at tahimik ko syang tiningnan habang natutulog sya. Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mr. Atty sa akin.




*flashback*





Papunta na kami sa parking lot nung tinanong ko si Mr. Cabral.




"Mr. Atty, pwede po ba ako magtanong?" Huminto ako para huminto din sya.



"Oo naman. Ano 'yun?" Tanong nya at lumapit sa akin ng kunti. "Ano po ang ibig sabihin ng Adoption?" Tanong ko.




*End Of Flashback*




"Daddy..." Tahimik akong umiiyak habang tinitingnan syang natutulog. Sinigurado ko na hindi nya ako madidinig.




*sniff sniff*



"Ayaw mo na ba talaga sa'ken? Para ibigay mo ako sa iba?" Huhuhu. "...pwede ba ikaw na lang ulit ang daddy ko?" Kahit na umiiyak ako unti unti kong pinapahiran ng gamot ang kamay nyang napaso.



"Pwede po ba na kayo na lang ni mommy ang maging mommy't daddy ko? Wag nyo na lang po akong ibigay sa iba magpapakabait na po ako. Please..." Kahit na natutulog sya umaasa parin ako na naririnig nya ako.


---

A/N : Nalilito na ako. Hahaha~ :P De bali konting kembot na lang, akala ko kasi short story lang 'to... ^3^




My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon