Fourty (Part I)

26.6K 474 10
                                    

Eros Pov

"Morning daddy..." Inaantok pa ako eh, ang aga pa masyado para gisingin nya ako.

"Damn it!! What is their plan now??" Eh?? Sino kaya kausap nya. "Cannot be reach...AGAIN!! You."

Bakit kaya?? "Eat your breakfast, your coming with me to the office." Talaga?? Kung ganon makikita ako ng mga tao na kasama ko sya??

"Talaga po??" Tanong ko.

"Yeah. I have no choice. Tsss..." May nangyari kaya?? Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari pagkatapos naming mamasyal kahapon.

At saka hindi ko din naman alam kung sino ang gusto nyang makausap. Tapos pag nakita ako ng mga tao dun tapos tatanongin na naman nila ako kung ano kami ni daddy?? Anong isasagot ko???

Kahit naman naging mabait na si daddy sa akin hindi ko naman alam kung tanggap na nya ako, eh. Baka nga napipilitan lang sya sa akin.

"Faster we're already late."

"Opo..."

Hayy. Kinakabahan akong pumunta dun kasama sya. Baka kasi itanggi na naman nya ako. Masaktan na naman ako.

"Hey..." Tawag nya. At dun ko lang napansin na nakatingin na pala sakin.

"Faster..."

--

Gusto ko pa sanang maki-pagkwentuhan sa kanya about dun sa pamamasyal namin. Pero mukhang bumalik na naman ang daddy na kilala ko.

Hayy. Pagdating namin sa company ni daddy pinagkaguluhan agad sya ng mga tao, siguro sila yung mga nagta-trabaho sa kay daddy.

'Good morning, Sir.'

'Good morning, Mr. Standford.'

'Good morning, Sir.'

'Good morning, Sir.'

Naunang bumaba si daddy ng car tapos ako di ko alam kung bababa ba ako o hindi.

Ang dami kasing tao sa labas tapos lahat sila nakatingin kay daddy. Maya-maya pa nakita kung umikot sya sa side ko para buksan 'yung pinto.

"Get out of the car." Sabi nya sa akin. Pero tinatakpan nya ako sa mga tao na gusto akong makita.

"P-pero po kasi n-nakatingin po silang lahat sa akin...." Natatakot ako. Pero nagulat na lang ako bigla nung hinarap nya 'yung mga tao.

"All of you, go back to your work now!!" Sigaw nya. Pagkatapos sabihin ni daddy yun ay mabilos silang umalis lahat na parang walang nangyari.

Tapos bumaling agad sya sa akin. "You can get out now." Tumango na lang ako at tahimik na sinundan sya habang dahan-dahan kong sinusuot ang hoody ko.

Tapos nung nasa loob na kami lahat ng makakakita kay daddy ay naggo-goodmorning at nagb-bow din ng kunti.

Pero tinitingnan din nila ako, nakahawak kasi ako sa lay-layan ng suit ni daddy.

"Don't mind them."-daddy.

"Opo..." Pero napahigpit tuloy ako sa paghawak sa damit ni daddy nung naririnig ko silang nagbubulongan tungkol sakin.

Ang ganda sana ng company ni daddy pero mukhang ayaw nila sa akin. Huhuhu.

Nasa tapat na kami ni daddy ng office nya nung lumapit ang secretary nya na si Mang Gaspar sa amin.

"Sir, nasa loob po si Mr. Weinscots-" naputol ang sasabihin nya nung biglang lumabas si Tito Caleb galing sa loob.

"Tsss..."-daddy

Ngumiti na lang ako kay mang Gaspar, sya lang ang mabait sa kanilang lahat dito sa office.

"Mabuti naman at dumating ka na your highness-" Nabigla ata si Tito nung makita ako kasama ni daddy.

"S-sinama mo talaga sya dito?? A-akala ko ba..." Di makapaniwalang tanong nya kay daddy.

"Shut Up!!"

--

"How are you, kid??" Tanong ni Tito Caleb sakin. Kanina pa kasi kami dito ang sabi ni daddy dito lang daw ako kasi may meeting lang daw sya.

Pero hindi nya kinausap at hindi din nya sinabihan si Tito na mag antay. Nag away kaya sila ni daddy??

"Okay lang po..."

"Hindi na ba masungit ang daddy mo sayo??" Tanong nya ulit.

Masungit??

"Hindi ko po alam..."

"Eh, tinanong ka na ba nya tungkol sa mommy mo??" Tanong nya ulit. Kay mommy?? Ni minsan di naman sya nagtanong.

"Hindi pa po..." Baka pag narinig na naman nya ang 'mommy' na word magalit na naman sya sakin.

Katulad na lang nung sa bahay pa kami nya, yung malaking-malaking house nya.

"Your still here??" Pareho kaming nagulat ni Tito nung biglang pumasok si daddy. At naglakad papunta sa table nya.

"Grabe ka naman sa akin." Napangiwi ako sa ginawa ni Tito para syang iwan.

Hinahawakan nya kasi yung sa may bandang heart nya, para syang magkakasakit?

"Tsss...but, since your here there's something I need to discuss about a lot of things." Tapos tiningnan ako ni daddy.

And then nauna na syang maglakad papunta sa private conference room nya dito sa loob lang ng office nya.

"Mukhang mahaba-haba ito, ah. Tsk! Tsk! Ganito na ba ako namiss ng daddy mo??" Pinagsasabi ni Tito??

Nagd-day dreaming na naman ata sya. Tapos sumunod na sya kay daddy. Pero bakit parang may kakaiba kay Tito Caleb ngayon??

**

Caleb's Pov

"Hindi ko alam na ganun mo na lang pala ako namiss. Para gamitin natin 'tong private room mo." Tapos ngumisi pa ako ng nakakaloko sa kanya.

Pero mukhang hindi parin sya nagbabago, tinaasan lang naman nya ako ng kilay. Psh!!

"So, ano nga ang sasabihin mo." Para naman akong nakikipag usap na naman sa hangin. Kainis.

"Is this all your plan??"

Huh?? "Anong sinasabi mo??" Bakit parang alam nya??

"Stop acting innocent, Weinscots I know everything from the very beginning." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya. Kung ganun alam na nya mula pa nung una.

"Alam mo na pala ang plano ko." Hindi ko akalaing kanito sya ka talino.

"Ang?? I don't thing that's the right word." Nakangising sabi nya.

My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon