Nine

25.4K 490 21
                                    

Eros Pov

Five days na mula nung umalis si daddy, ni hindi man lang sya tumawag o kaya na ngumusta. Dalawang araw na lang din foundation day na namin.Hayy.

"Ano ba yan ang bata-bata mo pa, pero kung makapag buntong-hininga ka parang matanda ka lang ah." Napa angat ako nung bigla na lang may nag salita sa harap ko. Naging tambayan ko na kasi ang park na malapit sa'min. "At bakit ka malungkot?

"Sabi ni yaya, Don't talk to stranger po daw." Sabi ko sa kanya nung bigla syang tumabi sa'ken dito sa may swing.

"Hahaha. Ang talino mo pala...." tumatawa lang sya sa akin na para bang may naalala. "....at masungit." Pagpapatuloy nya.

*pout*

"Who are you po?" Tanong ko sa kanya. "At hindi po ako masungit po." Sya nga 'tong parang baliw eh, tumatawa parin kasi sya hanggang ngayon. "Hindi mo ba talaga ako maalala?" Tanong nya.

*pout*

"Hindi naman po ako magtatanong kung alam ko po kung sino ka po." Maka alis na nga lang wala naman 'tong patutonguhan kung makikipag-usap pa ako sa kanya.

"Hahaha. Pareho talaga kayong dalawa, pareho kayong pikon." Eh? Sinong sya? "Sandali ito na nga magpapakilala na ako....." lumingon na ako sa kanya. Mukha naman syang mabait eh, baliw nga lang.

*pout*

".....ako si Dr. Caleb Weinscots, ako 'yung naging doctor mo. Naalala mo na ba ako ngayon?" Shocked. Oo, na shock talaga ako kasi-

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, para kang nakakita ng multo." Nakalapit na pala sya sa akin ng hindi ko namamalayan. "Eh, kasi po para ka po kasing hindi doctor." Totoo naman hindi talaga sya mukhang doctor.

"Pero thank you po talaga kasi niligtas mo po ako." Kung hindi dahil sa kanya wala na ako dito. "Hahaha. Hindi ko maiwasan na hindi matawa kasi pareho talaga kayo....." Ito na naman sya kung hindi pa nya sinabi na doctor sya, takas sa mental 'to sigurado. "....anyway your welcome, Eros right?" Ngumiti na lang ako sa kanya.

Caleb's Pov

Nakakatawa pareho talaga kayong dalawa ng tatay mo. Kahit sabihin pa nyang hindi ka nya anak, hindi maipagkakaila na pareho ang ugali nyong dalawa. Kung baga xerox copy nya itong batang nasa harapan ko.

*flashback*

Pasipol-sipol ako nung pumasok ako sa office ni Shin Standford. A multi-billioner with a coldhearted, snob, loner and a monster. A monster in terms of business he's one of the top youngest businessman in the world. Naging cold at aloof na sya sa iba mula ng mangyari 'yun.

"Good day, Mr. CEO" pang asar ko sa kanya, pikon kasi. Tumingin lang sya sa akin sandali para taasan ako ng kilay. Sinabi ko na din ba na ang sungit nya. Haha.

"What are you doing here, Mr. Doctor?" Papaano sila nagkaka intindihan ng mga ka meeting nya kung hindi nya tinitingnan. Nga naman.

"Wala lang, masama bang bisitahin ang isang kaibigan." Sabay upo sa couch. "Yes and your to old to be my friend." Sabi nya ng hindi man lang ako tinitingnan.

"Anong! Hindi pa ako matanda!" Kaasar. Bakit ba sinasabi nila na matanda na ako. -_-

"Whatever." Yun lang ang sasabihin nya? Matapos nya akong laitin. "Tss...Kaya lang naman ako nandito, ay gusto ko lang naman sabihin sayo na nakita ko na ang anak mo." Gotcha. Sa wakas tumingin ka din.

*Smirk*

"Nandito ka lang ba para sabihin sa akin ang mga walang kwentang bagay." Shit 'yung tingin at boses nya nakakatakot.

"Pano mo nasasabi 'yan?"

"Just simple, I.DON'T.CARE."

*end of flashback*

'Shin Standford'

Kung ganun wala lang sayo kung may mangyaring masama sa anak mo? Wala ka talagang puso.

*smirks*

"Para ka naman pong baliw kanina po tatawa-tawa ka po, ngayon naman po ngumingiti ka. Baliw ka po ba?" Inosenting tanong sa akin nitong batang 'to.Haha. "Hindi may iniisip lang ako, so pwede ko na bang malaman kung bakit ka malungkot?" Ano ba ang pinagdadaanan ng batang ito?

Eros Pov

'So pwede ko na bang malaman kung bakit ka malungkot?' Nakatingin lang sya sa'ken habang nag aantay sa sagot ko. Sabay kami naglalakad dito sa park malapit sa may lake.


"Kasi po 'yung daddy ko po kasi, hindi po makakarating sa foundation day namin." Kahit naman nandito sya, hindi naman sya pupunta.

"Saan pala ang daddy mo ngayon?" Tanong nya. "Business trip po." Sagot ko naman. "Eh, ang mommy mo?" Tanong nya ulit. "Teka nga po ah, bakit ba ang dami mo pong tanong?" Masungit na tanong ko.

*pout*

"Haha. Gusto ko lang namang malaman. Pero kung gusto mo ako na lang ang pupunta sa foundation day mo. At ang maging daddy mo habang wala pa ang daddy mo." Eh?

"Bakit mo naman po gagawin 'yun? At tska ang tanda mo na po para maging daddy ko, pwede ka na nga po na lolo ko eh." Matanda naman talaga sya kulubot-kulubot na ang mukha nya eh.

"Sige na po uuwi na ako. Bye"

'Sandali hin-'

Caleb's Pov

"Sandali hin-" Pambihira hindi pa ako tapos lumayas na agad. Ganun na ba talaga ako katanda? Mukha pa nga akong 18 years old.

'pwede ka na nga po na lolo ko eh.'

Pareho talaga kayong dalawa. Pero Lolo? Tsk. Magpakita ka na kasi.

*smirks*

--

Eros Pov

"Kumain ka na Eros pagkatapos, magpahinga ka na gabi na din." Si yaya pearl. "Yaya? Tumawag na po ba si daddy?" Hindi man lang nya tinanong kung bakit ako may sugat sa ulo. "H-hindi pa." Nakapanlulumo lang kasi sarili mong daddy walang pakialam sa sayo.

Pagkatapos kung kumain dumiretso na ako sa kwarto ko. Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin ang totoo, maintindihan ko naman eh. "Daddy uwi ka na namimiss na kita.. *sniff sniff* " bulong ko habang nakatingin sa picture nya, picture na kuha ko pa sa mga magazines.

Kahit na alam kong ayaw nya sa'ken hindi ko parin kayang magalit sa kanya. Gusto ko lang naman na mapansin din nya ako eh. Bakit. Bakit ayaw mo sa'ken? Dahil ba kay mommy?

'Mommy...' huhuhu.

"Mommy sana nandito ka, sana kasama kita ngayon. Sana nakilala kita." Huhuhu.

'Gusto ko lang naman, na maging masaya.'

-Meanwhile-

Shin's Pov

*ring ring ring..*


Yaya pearl?

"Yes." I answered her call.

'Makinig kang mabuti...nandito ako sa tapat ng kwarto ng anak mo.' What?

'.....daddy *sniff sniff* uwi ka na namimiss na kita..huhuhu.' And I heared a sobbing sound of a boy.

Tsss....

'I only have one son and it will never be you. Eros Keil.'






--

A/N : Sino kaya si Dr. Caleb Weinscots? Pati ako nalilito kung ano ang papel nya sa story na'to.haha. At Sinipag po ako, kaya nag UD na..haha. :P

Ingat po kayo kay Bagyong Lando.


My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon