Twenty-Six

25.5K 459 14
                                    

Eros Pov




Kanina pa kami dumating dito sa bahay nung babae. At kanina ko padin gustong umuwi dahil ayaw ko dito.





*sniff sniff*





Kahit anong gawin ko ayaw tumigil ng mga luha ko. Huhuhu. 'Daddy...' Kukunin mo naman ako dito diba? Magpapakabait naman ako, eh.




*sniff sniff*




Mayamaya pa, may narinig na lang ako ng isang sasakyan. Tapos naramdaman na nasa harap ko na sya. Pagtingala ko na gulat na lang ako ng si tito Caleb ang nakita ko.





"Hi..." Bati nya sa'kin.





"Tito Caleb?" Anong ginagawa nya dito? Susundoin na ba nya ako dito? Tapos ihahatid nya ako kay daddy?





"Tito...ayoko ko po dito. Gusto ko po kay daddy." Sabi ko sa kanya. Kahit na nagtataka ako kung bakit sya nandito.




"Ayaw mo ba talaga dito?" I nod. "Kung ganun, ayaw mo sa'kin bilang bago mong daddy?" Tanong nya sa'kin na ikinagulat ko.



"B-bagong daddy?" Gulat na tanong ko.





"Uhm-Oo, ako 'yung nagpasundo sayo sa bahay ng dati mong daddy." Sabi nya. Dati?





"Dati? Sya lang ang gusto kong daddy!!" Kahit na ayaw nya sa'kin. Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong damit. Wala naman akong ibang gusto kundi maging daddy sya.





"Okay, daddy mo...pero, mula ngayon dito ka na titira at hindi kita pipilitin na tawagin akong daddy." Nakangiting sabi nya. Tapos ginulo na naman ang buhok ko.




"Huhuhu. Ayaw ko po ditoo~ " Kahit na mabait si tito Caleb sa'kin para kasing may kulang. Pagkasama ko si tito, nakakaramdam ako ng saya. Pero pag si daddy ang kasama ko, lagi kong nararamdam na nandyan lang sya lagi.





Na mamahalin nya ako at aalagaan nya ako. At handa nya akong protektahan. Huhuhu. Diba ganun ang mga daddy?



***

Caleb' s Pov






"Huhuhu. Ayaw ko po ditoo~" Sabi nya habang umiiyak.




"Grabe ka naman. Ang sakit naman sa damdamin ng mga sinabi mo?" Sabi ko. Sya naman patuloy lang sa pag ngawa.




Ang suwerte naman nung kumag na 'yon. May anak syang mapagmahal, kahit na binabalewala na.





"Sir, nandito na po pala kayo?" Magalang na sabi ng secretary ko. Which is 'yung initusan ko tungkol sa adoption.




"Hihi. Pasensya na po kayo, ha? Hindi mo na trabaho 'tong ipinagawa ko sayo." Paumanhin ko. Ang totoo nyan medyo may edad na sya at secretary pa sya ng daddy ko dati. Kaya hindi ko muna sya pinalitan hanggang sya na mismo ang magreretiro sa trabaho nya.






"Okay lang 'yun." Saad pa nya tapos tiningnan nya 'yung bulingget. "...mukhang mahal na mahal mo ang daddy mo." Sya. At tumango lang ulit 'yung bulingget. At mana sa tatay nyang tamad kung magsalita. Tsk!!



"Gusto kong makilala mo sya, bata. Sya si Aurora Dela Cruz." Pagpapakilala ko.





"Pero, pwede mo akong tawaging Nana Auring. Alam mo bang sya 'yung surprise ko sayo? Ang tito Caleb mo." Nakangiting sabi nya sa bulingget na, nakatingin lang sa kanya. Ano bang iniisip ng batang 'to?





My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon