Yaya Pearl' s Pov
Kanina pa kami naghahanap sa bata pero hindi parin namin makita. At lumalalim narin ang gabi at hindi parin humihina ang ulan.
"Kinakabahan na ako. Baka ano na ang nangyari dun. Hayy." Si Sionne.
"Ang mabuti pa hanapin natin baka nandito lang 'yun." Baka nasa may slide lang, di kaya sa may waiting shed lang.
'Hindi na kailangan.' Sabay kaming dalawa ni Sionne na lumingon sa paligid. Kung saan nanggaggaling ang isang malamig at pamilyar na boses.
"Annya." Nakatingin lang kami sa kanya habang papalapit sya sa amin. "Kayo na po ang bahala sa kanya." Sabi nya habang nakatingin sa anak nya na natutulog. Halata sa kanya na gustong gusto pa nyang yakapin at kargahin ang anak nya.
Sabay pa kami ni Sionne na lumapit sa kanya para kunin ang bata. "Ayos lang ba sya?" Tanong ni Sionne habang kinukuha ang bata. Tumango lang sya at tumalikod para umalis.
"Sandali...kaya mo pa ba?" Pigil ko sa kanya.
"Just take good care of him...ako na po bahala kay Shin." Yun lang at umalis na sya.
-
"Wag kayong mag alala, wala naman syang lagnat. Pagpahingahin nyo lang sya siguradong magiging maayos lang si Eros." Nakangiti si Dr. Caleb sa amin pero hindi 'yun umabot sa mga mata nya.
"Mabuti naman..." sabi ko. "...akala ko magkakasakit na ang batang ito."
"Sya na naman diba? Tsk!" Tumango ako sa tanong ng doctor. Nakatayo lang sya malapit sa may table dito sa maliit na kwarto ng bata.
-Kinabukasan-
Eros Pov
"Yaya Sionne, bakit po ako nandito?" Nagising na lang kasi ako, na nandito na ako sa kwarto ko.
"Gising ka na pala." Nung nakita ko ang nakangiting mukha nya. Hindi ko na napigilan na hindi umiyak at ikwento ko sa kanya ang lahat.
Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ako ni yaya. "Hindi ko naman po sinasadya 'yun, eh." Huhuhu. "Sshh..." bulong nya. Hinahayaan nya lang akong umiyak.
Nung napagod ako sa kakaiyak, sinabi nila na may babae na naghatid sa'ken. Pero hindi nila sinabi kung sa'ken sino.
-
"Huwag ka na lang kaya pumasok ngayon, baby?" Kanina pa nila 'yan sinasabi sa'ken. Kailangan ko parin mag aral diba? Gusto ko parin na maging proud sila sa'ken.
"Alis na po ako." Simula nung nabasag ko ang vase, minsan na lang ako nagpapahatid sa kanila. At nagpapasundo dahil pakiramdam ko wala na akong karapatan na alagaan nila Yaya.
'...your not my son.'
'...your not my son.'
Bakit paulit ulit kong naalala ang mga sinabi nya? '...your not my son.' Tinakpan ko na ang dalawang tenga ko dahil ayoko ng marinig 'yun. Huhuhu. Tama na.
"Eros...okay ka lang?" Tanong ng isang babae sa'ken "...kanina pa kasi kita tinatawag." Nag aalala na nakatingin sya sa'ken.
Tiningnan ko ang paligid ko. Lahat kasi ng tao nakatingin din pala sa'ken. "O-okay lang po ako." Nakatungo kong sagot. Kailan ba ako naging okay?
'Eros?'
Tiningnan ko ulit 'yung babae. "Bakit mo po ako kilala?" Hindi naman alam ng mga nakatira dito, kung anong pangalan ko at kung sino ako.
"Sinabi ng mga Yaya mo kagabi ang name mo...nalala mo pa ba ako?" Kagabi? Kung ganun, sya yung babaeng tumulong sa'ken.
"Sana po hinayaan nyo na lang po ako dun na maulanan." Tumakbo na ako papalayo sa kanya. Kahit na gusto ko syang mayakap ulit. Huhuhu.
"Sandali--"
***
Annya VanWalker's Pov
"Sandali--" Hindi pa ako tapos nung tumakbo na sya palayo sa'ken. Ang sakit, na nakikita ko syang nasasaktan ng dahil sa kagagawan ko. Para akong pinapatay.
"Baby...I'm sorry, kasalanan ko lahat. And I'm sorry kung hindi kita pwedeng kunin sa daddy mo. Mas kailangan ka nya." I whisper hoping that he could hear me. But it's very imposible.
*flashblack*
"....kaya mo pa ba?" Yaya Pearl asked me.
Kaya ko ba pa? Hindi naman ako tanga kung ano ang ibig sabihin, ng tanong nya. At ang alam ko kinagawa ko na lang 'to dahil sa anak namin. "Just take good care of him...ako na po bahala kay Shin."
*End of Flashback*
I wipe my tears as I get back to my senses. Kailangan na kitang harapin Shin.
Hindi ko na sya kayang panuorin habang sinisisi mo sya. Dahil lang sa galit mo sa 'ken.
Sana may natitira ka pang pagmamahal dyan sa puso mo. Maybe not for me but for our son.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?