Eros Pov
Pagkahatid sa'ken ni tito doctor sa house ay umalis na agad sya. Magpapakwento pa sana ako tungkol kay daddy at mommy. Pero sabi nya may pupuntahan pa daw sya, hindi man lang kasi nya sinagot 'yung mga tanong ko.
Pero kahit ganun masaya na ako kasi may ibang tao pa pala, na pwede kong malapitan bukod kina yaya pearl at yaya sionne.
'Eros? Nasan ka?' Tawag sa akin ni yaya sionne mula sa malayo. "Nandito lang po ako yaya." Malakas na sagot ko kay yaya sionne.
"Naku bata ka...bakit ka nandito?" Tarantang sabi ni yaya sionne sa'ken tapos kinuha nya sa akin ang isang magandang vase. "Huh? Bakit naman po?" Inosenteng tanong ko.
"Kung ayaw mong magalit si daddy sayo, h'wag na h'wag kang pumasok doon sa kwarto na'yun..." paliwanag nya sa akin habang papalabas na kami sa kwarto. "....lalo na ang hawak ang mga kung ano man ang nandun sa loob ng kwartong 'yun. Naiintindihan mo ba ako?" Eh?
"Bakit po? Kanino po pala ang kwarto na 'yun?" Ganun ba talaga kahalaga kay daddy ang nasa loob nun? "H-ha? Basta 'wag ka ng pumasok dun, okay?"
"Opo..." Ngumiti si yaya nung sumagot ako kahit na hindi ko naiintindihan kung bakit hindi ako pwedeng pumasok dun.
-Kinabukasan-
"Okay class, sino ang may gustong gumawa tayo ng isang family tree?" Tanong ng teacher namin. Lahat ng mga classmates ko nakataas ang mga kamay.
Ako naman tahimik lang katulad nung iba naming activities. Si teacher nakatingin lang sa akin. 'Family Tree?' napayuko ako dahil dun.
"Okay, get your crayons and your paper magdu draw tayo ngayon ng isang happy family."
'Happy Family?'
-
"Eros?" Uwian na nung tinawag ako ni teacher. Nakalapit na pala sya sa'ken ng hindi ko man lang napansin. "Bakit po, teacher?" sagot ko.
"Pwede ba akong magtanong sayo?" I nod. "Bukod kay yaya? May hinihintay ka pa ba dito?" Na bigla ako sa tanong nya.
"Meron po..." nakatingin lang sya sa'ken. "....sila mommy at daddy ko po." Lagi ko silang hinihintay dito sa may harap ng school baka kasi isa sa kanila bigla na lang pumunta at sunduin ako.
Sana umuwi na si daddy. At sana naalala din ako ni mommy ngayon.
Gusto ko syang makilala. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, kusa na silang tumulo. Tuwing naalala ko sila hindi ko maiwasan na itanong kung bakit nangyayari 'to sa'ken.
Bakit sa akin pa? Kaya ko namang maghintay pero sana, dumating na 'yung araw na makasama ko na sila.
"Bakit ka umiiyak, Eros?" Mahinahon nyang tanong pero may halong pag aalala ang boses nya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Teacher sa tingin mo po ba...magustuhan ni daddy 'tong drawing ko?" Nakatingin lang ako sa drawing ko na kanina ko pa hawak.
"Oo naman, Pero...bakit ka umiiyak?" tanong nya sa'ken.
*sniff sniff*
"Kasi po, bakit ayaw ni daddy sa'ken...." nakatingin lang si teacher at tahimik na nakikinig. "...hindi ko po alam kung bakit hindi nya po ako magawang magustohan."
*sniff sniff*
"Si mommy, naman po hindi ko pa nakilala, ayaw din ni daddy na banggitin ko sya sa bahay." Pagpapatuloy ko. At patuloy lang din ang mga luha ko sa pagpatak.
"Bakit?"
"Hindi ko po alam." Huhu. Dahil ni hindi nila sinasabi ang katotohanan sa'ken.
Alam ko naman na may kinalaman kay mommy eh, pero sana maintindihan din nila na nasasaktan na ako.
Na nasa sabihin na lang ni daddy sa akin ang totoo, kung bakit ayaw nya sa'ken hindi 'yung iniiwasan nya ako na hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko.
Hindi ko alam kung papaano ko aagawin ang atensyon para lang pansinin nya ako. Na nage exist din ako.
Shin Pov
'He is not my son.' I kept telling that to myself but the back of my mind tell's the opposites. 'A liar.' Damnit. I'm about to closed my eyes when I heared a knock.
"Come in."
"Sir, ready na po ang lahat para po sa pag uwi." The conferrence lasted almost ten days. And I feel exhausted.
"Good. Then let's go."
-
"Hijo, Napa aga ata ang pag uwi mo at hindi ka man lang tumawag para naman masundo ka namin." Yaya Pearl. "No, it's okay." I said.
Yaya Pearl is one of the few people know me and she's the one who took good care of me when my parents past away. I'm about to go upstairs when I heard a voice that irritates me.
"Daddy..." Damn that smile of his. "...welcome back." Everytime I see he's smile I always do remember he's mother, thats one of many reason's why I don't like him. Tsk!
---
A/N : Ayaw ko talaga sa Pov ni Shin promise... :3
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?