Eros Pov
"Yaya Pearl, natatakot po ako...ayoko ko po dun." Sabi ko. Huhuhu. Kanina pa ako umiiyak habang tinutupi nya ang mga damit ko. Itong araw na kasi ang kinatatakot ko?
Ang huling araw na makasama ko si daddy. Pagkatapos kasi nung birthday ko ay hindi na naman sya umuwi. Huhuhu.
"Eros...kung may magagawa lang sana kami." Sabi nya. Yun na nga, kahit anong gawin ko hindi na magbabago ang isip nya. "Hindi ko na po ba sya makikita ulit?" Tanong ko. Kahit hindi sila magsalita alam ko, na hindi ko na sya makakasama.
'Daddy...uwi ka na please.'
*knock knock*
"Nandyan na sila." Si yaya Sionne. Kung ganun dumating na sila?
"Natatakot po ako...ayoko pong umalis dito, dito na lang po ako, please?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko natatakot ako hindi dahil sa mga taong kukuha sa'kin.
Kundi natatakot ako na hindi ko na makikita ang daddy ko. Ayokong umalis, kahit na hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal ng isang daddy. Nandito padin ang mga taong nagmamahal sa'kin.
*sniff sniff*
-
Pagdating namin sa living room. Inabutan namin ang isang babae, at kaedad lang nila yaya. Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya, pero wala akong mapuntahan.
"Sya na ba?" Nakangiting sabi nya sa'kin habang papalapit sya. Yung mga kasama nyang mga lalaki ay kinuha na ang mga dala kong gamit.
"Yaya, please 'wag nyo po akong ibigay sa kanilaa~" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nila yaya. Natatakot ako, huhuhu.
"Baby, diba nag usap na tayo? Pupuntahan ka naman namin ni yaya Sionne dun." Sabi ni yaya Pearl. Pero pano si daddy hindi ko na sya makakasama. Huhuhu.
*sniff sniff*
"Pero-" Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko nung biglang nagsalita yung babae. "Alam mo ba..." Nasa harap ko na sya ngayon at nakaluhod sya sa harap ko para magkalevel kami. "...magiging masaya ka dun. Marami kaming toys dun para sayo at may surprise pa kami na siguradong magugustuhan mo." Masayang sabi nya.
"Ayoko po sa inyo..." Naluluhang sabi ko sa kanya. "Eros..." Saway ni yaya Sionne sa'kin at tumingin sa babae. "...sige na po." Yun lang ang hinihintay ng babae at hinawakan nya ako sa braso ko at dinala sa kotse nila.
"Yaya...sige na po, wag nyo po akong ibigay sa kanila. Please!" Sigaw ko. Gusto kong tumakbo pabalik sa kanila pero bigla na lang umandar yung sasakyan. 'Yaya....' huhuhu.
***
Caleb's Pov
"Tanghaling tapat pero lasing ka na agad?" Sabi ko pagkaupo ko sa couch katapat nya. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Standford. Ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.
"Ganyan ka ba magcelebrate para sa pagpapa ampon mo sa sariling mong anak? Psh!" Hindi man lang sya nagsalita at hindi man lang ako pinansin. Napailing na lang ako at tuloy lang sya sa pag inom ng alak nya. Putang*na!!
"I'm not drunk, Idiot. And what do you want from me this time?" Sabi nya na parang ordinaryong araw lang ngayon.
"Wala lang naman. Gusto ko lang sabihin sayong wala na ang anak mo sa bahay mo at sa buhay mo. Tulad ng gusto mo." Dire diretso kong sabi sa kanya. Wala na man syang pakialam sa bata, diba?
Pero, kita ko kung paano humigpit ang hawak nya sa baso nya. O, namalik mata lang ako?
"Very good. And how many times did I tell you. That, he is NOT my son." It's not a question but it's more on statement.
Itinaas ko na lang ang dalawa kong kamay dahil sa titig nya. Kung nakakamatay lang 'yon, ewan ko lang baka nag aagaw buhay na ako ngayon.
"Kung ganun bakit ka nakapirma sa birth certificate ng bata? Na nagsasabing ikaw ang ama? Kung ipapaampon mo lang pala sya ngayon? Sana dati mo pa 'to ginawa." Sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pag inom ng alak.
"I didn't know you are a lawyer? I thought your just a doctor." Sarkastiko nyang sabi. "And it's none of your damn business." He smirk.
"Siguro nga. Pero alam mo bang huli ang pagsisi? Bakit hindi mo na lang aminin sa sarili mo, ang totoo mong nararamdaman?" Pero as usual, naiintriga ako sa kanya, pag ang totoong damdamin nya ang pinag uusapan.
"Ginagawa mo 'to para saktan ang mommy nya pero, higit na nadudusa sa pinagagawa mo. Ay ang anak nyong dalawa." Sabi ko. "...hanggang kailan mo ba sila sasaktan?" Pambihira. Wala na akong masabi sa ugali ng isang 'to.
Hindi man lang sya nagsalita instead he' s pointing his index finger at the door of his pad. Ibig sabihin pinalalayas na nya ako. Tss...
"Alright, aalis na ako. Pero hindi mo man lang ba kakamustahin ang ANAK MO, sa kung sino man ang nag ampon sa kanya?" Pinagdiinan ko talaga lagi ang salitang 'anak' baka sakaling matauhan ang kumag na may anak syang nagmamahal sa kanya.
"Get out." Walang gana nyang sabi. "Oo na, tandaan mo 'to Standford pagsisihan mo din 'tong ginawa mo." Yun lang at lumabas na ako. Hindi naman yun banta, huwag kayong ano.
TSK!! TSK!!
-
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang pinaka special kong bisita. Naka upo lang sya sa love seat at tahimik na nakayuko.
Nung napansin nya siguro ako ay unti unti syang tumingala sa'kin.
"Hi..." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Tito Caleb?" Mukhang kanina pa sya umiiyak dahil namumugto na ang mga mata nya. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matatawa, halata kasi sa kanya na ayaw nya dito.
I smiled at him. Nung malaman ko ang tungkol sa adoption. Ginawa ko ang lahat para hindi malaman ng lalaking 'yun na ako ang aampon sa anak nya. At para nadin hindi sya mapunta sa iba.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero isa lang ang sigurado ko. He don't deserve a father like him, na walang kwenta at walang pakialam sa sariling anak. Damnit.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?