Eros Pov
Nasa parking lot na kami ng party nung makita ko na ang daming tao. Tapos halata sa kanila na puro sila mayayaman lahat.
Ngayong gabi na kasi 'yung party. Nung una ayaw kong sumama pero naisip ko na baka pumunta si daddy at makita ko sya ulit.
"Nana?? Tingin nyo po ba, pagnakita ako ni daddy matutuwa sya??" Tanong ko. Nung inaayos nya ang damit ko. Nagpagawa kasi sya ng isang maliit na tuxedo para sa'kin.
"Kung pupunta ang daddy mo ngayon, hindi natin alam." Yun lang ang sinabi nya. At pumasok na kami sa loob, at habang papalapit na kami nanlalamig na ako dahil sa kaba. At excited akong makita sya ulit, kung pupunta sya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pag nakita ko sya. Basta ang alam ko ngayon, susulitin ko ang mga oras na 'to makikita ko ulit si daddy.
Pagdating namin sa loob. Hindi ko maiwasan na di mamangha sa loob. Ang gaganda ng mga suot nila halatang mayaman. Tapos 'yung buong hall, ang ganda ng mga lights at may nagp-play din ng music.
"Wow ang ganda." Nakatingin ako sa taas kasi nakita ko ang isang malaking malaki na chandelier. Pagkatapos inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang isang chocolate fountain.
"Nana, pwede po ba na dun lang ako. Kakain lang po ako ng chocolate, please." Sabi ko at tumango lang sya.
"Okay dito ka lang muna ha? May aasikasuhin lang ako tapos babalikan kita dito. Behave ka okay?" Tumango lang ako sa sinabi nya. Dahil busy ako sa pagkain nitong marshmallow na may chocolate.
'Saraappp~ ^__^ '
Maya maya bigla akong napatingin sa paligid kasi feeling ko. Nakita ko si daddy na pumasok. 'Daddy...' At hindi nga ako nagkamali, medyo malayo sya sa'kin at may kausap sya.
Hindi ko sana sya lalapitan at titingnan lang mula dito sa pwesto ko. Pero bigla syang naglakad ng kunti kasama 'yung kausap nya. At natakot na bigla na lang syang umalis ng party.
Dala dala ko pa 'yung kinakain kong marshmallow na may chocolate. Ay dali dali akong naglakad hanggang naging takbo na papalapit sa kanya. Natatakot ako baka hindi ko na sya ulit makita. Huhuhu.
'Daddy, h'wag ka muna umalis.'
Akala ko maabutan ko sila pero madaming mga tao sa paligid. Sinubukan kong humanap ng madadaanan para makalapit ng kunti. Nung bigla akong mabangga sa isang babae at na mantyahan ang mamahalin nya damit.
"WHAT HELL!! What did you do to my expensive dress!! Omy gash!!" Maarteng sigaw nya sa'kin.
"I'm very sorry, Madame." Magalang na paumanhin ko. Pero na galit sya sa akin at tinulak nya ako ng malakas. Tapos bigla akong na untog sa sahig.
'Ack..ang sakit.'
"Sorry?! Look at my dress, may stain na sya! Where are your parents ba! They're so irresponsible they let you pakalat kalat here! Urgh!!" Pagkatapos nya akong sigawan ay sinipa naman nya ako.
*sniff sniff*
Narinig ko na lang mga tao sa paligid nung bigla silang nagbulungan. Tiningnan ko ang paligid ko dahil ginawa kong gulo. At nakita ko si daddy na, galit na galit na nakatingin sa'kin. Huhuhu.
Hindi ko alam kung ano ang masakit. Ang pagkakauntog at pag sipa sa'kin o ang makita ko ulit galit sa mga mata ni daddy.
"I'm sorry po, di ko naman po sinasadya...." Tumutulo na ang mga luha ko pero hindi padin sya tumitigil sa pag sigaw sa'kin.
'Daddy, help me...'
Maya maya ay tumigil na 'yung babae kasi pinalabas sya ng mga gaurds. And then tumakbo ako palabas at nakarating ako sa isang garden.
*sniff sniff*
Umupo lang ako sa may gilid ng bato at tahimik na umiyak nung bigla may dumating sa harap.
"Di ko naman po sinasadya 'yun. Huhuhu. Nakita ko po kasi ang daddy ko at tumakbo po ako papalapit sa kanya. Kasi namiss ko na po sya nung bigla ko pong mabangga 'yung babae. Di ko naman po sinasadya." Dire diresto kong paliwanag.
Pero hindi sya nagsalita. Kaya nagtataka akong tumingala para tingnan kung sino ang nasa harap ko. Pagtingin ko, parang biglang umurong lahat ng mga luha ko.
*sniff sniff*
"D-daddy..." Ang tanging nasabi ko nung umupo sya sa harap ko. Nakatingin lang sya sa'kin at wala ni isang emotion ang mababasa sa mukha nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Huhuhu. Galit na naman ba sya sa'kin?
Kaya nya ako sinundan? Huhuhu. "I'm miss you, daddy..." bulong ko. Alam ko na magagalit sya sa sinabi ko. Pero na bigla ako sa sunod nyang ginawa.
Hindi sya nagsalita at p-pinunasan nya ang mga luha ko at umalis agad. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa 'yun. Nag aalala ba sya sa'kin??
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?