Eros Pov
Nandito kami nila yaya Sionne at yaya Pearl sa living room. Para magdecorate ng christmas tree at iba pang palamuti para sa pasko.
Nakatingin lang ako sa kanila habang sinasabit nila yung garlan, stockings, christmas lights at iba pa.
"Pwede po ba akong tumulong?" Kanina ko gustong tumulong at maranasan na magdecorate din para sa pasko.
"Oo naman." Nakangiting sagot ni yaya Pearl sa'ken. Hahawakan ko na sana ang mga candy cones ng makita ko si daddy na bumababa sa hagdan, at nakapambahay lang.
"Uh-Hijo, hindi ka papasok sa office mo ngayon?" Nagtatakang tanong ni yaya Pearl. Kahit ako nagtataka din, ito yung unang beses na makita ko syang magday off.
"G-good morning po..." Mahinang bati ko sa kanya. Pero sapat na 'yun para marinig nya ako. At hindi man lang nya ako pinansin at nilagpasan lang ako.
'Daddy...'
-
Pagkatapos namin mag decorate. Pumunta naman kami nila yaya sa may garden.
Si daddy naman, nakaupo lang sa may living room habang nagbabasa ng libro. Nakikita ko kasi sya mula dito sa labas.
"Uminom ka muna, Eros." May inabot na isang basong juice si yaya Pearl sa'ken.
"Thank you po." Nakangiting sabi ko. Nakatingin ako sa juice, pabalik sa loob ng bahay.
"San ka pupunta?" Sigaw ni yaya Pearl sa'ken. Hindi ko sya sinagot at pumasok sa loob ng bahay dala ang meryenda ko.
Tapos nakita ko syang nakaupo sa may couch habang nagbabasa ng books. Alam ko naman na hindi nya tatanggapin ang mga bigay ko. Pero kahit na gusto ko parin 'tong gawin.
Agad akong lumapit sa kanya para ibigay ang meryenda nya. Kinakabahan akong inilapag ang mga dala ko sa harap nya.
"Mag meryenda po muna kayo." Hindi ko na hinintay na sumagot sya at dali dali na akong bumalik sa kanila yaya dahil takot akong masigawan na naman nya ulit.
Buong araw kami nila yaya naglinis. Si daddy naman pumunta sa office nya dito sa bahay.
"Yaya, sasabay po ba si daddy sa atin kumain ng haponan?" Tanong ko sa kanila. "Hindi, magpapahatid na lang daw sya sa office nya." Sagot ni yaya Sionne.
"Ganun po ba?" Akala ko makakasabay ko ulit syang kumain. Hayy.
"Pwede po ba ako na lang maghatid ng food nya?" Tanong ko.
--
Nasa harap na ako ng pinto ng office ni daddy at bubuksan ko na sana nung pigilan ako ni yaya Sionne. Kasama ko kasi sya at dala din nya ang tray ng food.
"Eros...kaya mo ba?" Alam kong nag aalala sila sa'ken pero gusto ko 'tong gawin. Baka sakaling pagbigyan nya ako para sa hiling ko.
Baka sakali.
"Opo..." sagot ko. Pagkabukas ng pinto nakita ko syang busy sa pagsusulat. Hindi man lang nya tiningnan kung sino ang pumasok.
"M-mr. Shin?" Tawag ko. Gusto ko syang tawaging daddy. "...Eto na po 'yung pagkain nyo." Kahit sa ganitong paraan mapansin nya ako.
Tapos inilagay ko 'yung tray sa maliit na table dito sa loob ng office. Hindi padin sya tumingin.
"M-mr. Shin?" Tawag ko ulit. "What?" Halata sa boses nya ang iritasyon tapos tumingin sya sa'ken saglit at bumalik ulit sa ginagawa nya..
"P-pwede po ba akong humiling sayo kahit ngayon lang?" Nakatingin lang ako sa kanya at napahigpit ang hawak ko sa tray. Umaasa na sana pumayag sya. "...p-pwede po bang, punta sa tayo sa Amusement Park bukas?" Hindi sya sumagot at hindi man lang din nya ako tiningnan.
"Why would I?" Tanong nya sa'ken ng hindi man lang nakatingin. Tama. Sino ba naman ako para pumayag sya sa hiling ko, hindi naman ako si Vince.
"Kasi po, bago nyo po ako ibigay sa iba, pwede po ba kitang makasama kahit bukas lang. Sandali lang naman po." Hindi sya nagsasalita.
"Sige na po, maghihintay po ako dito bukas ng hapon. Pag hindi ka na po busy, saglit lang naman po." Naghihintay ako ng sagot nya pero wala, hindi padin nya ako pinansin.
"Wait..." Palabas na ako ng office nya nung tinawag nya ako, kaya humarap ako sa kanya. "..the person who will adopt you. Will get you here, the day after tomorrow." Sabi nya.
Ganun na lang ba kadali sa kanya na ibigay na lang ako sa iba? Hindi nya ba talaga ako kayang mahalin? Sa huling pagkakataon?
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?