Eighteen

24K 471 24
                                    

Eros Pov



Lumipas ang mga araw na madalang na lang umuwi si daddy dito sa bahay. Hatinggabi na din sya kung dumating tapos umaalis din sya agad.


"Baby? Bakit mo inilalagay ang mga damit mo sa bag mo?" Nagtataka si Yaya Pearl dahil sa ginawa ko. "San ka pupunta,ha?" Hindi ko sya sinagot at tuloy lang ako sa ginagawa ko. Inilagay ko lang naman ang mga damit ko sa school bag ko.


"Eros..." tawag ni yaya sa'ken.



"Yaya? Pwede po ba ako dun na lang sa baba matutulog kasama nyo?" Huhuhu. Para hindi ako makita ni daddy, kasi baka magalit ulit sya sa akin pagnakita nya ako. "Pero ito ang kwarto mo...mas malaki ang kwarto na'to, kesa sa mga kwarto sa baba." Nakaluhod sya sa harap ko para magka level kami. Natatakot na akong mag isa dito.




"Yaya please...." Pakiusap ko sa kanya. "...dun na lang ako sa inyo." Huhuhu. Habang tumatagal ako dito, lalo kong nararamdaman na hindi na nya talaga matatanggap.



Tumango sya at niyakap ako ng mahigpit. "Tahana lagi ka na lang umiiyak..." Tapos pinunasan nya luha ko. "...halikana at aayusin natin ang mga gamit mo sa baba." I nod.



-


Nasa tapat lang ng kwarto nila Yaya Pearl at Yaya Sionne ang napili kong kwarto. Mas maliit nga ang kwarto dito sa baba kesa sa dati kong kwarto.


Ang dati kasi masyadong malaki at lagi kong nararamdaman na mag isa lang ako. Pero ngayon, maliit lang pero dito ko nararamdaman na hindi ako nag iisa.




*sniff sniff*




Mag isa? Lagi na lang akong mag isa. Huhuhu.




"Baby...tumahan ka, hindi ka ba napapagod na lagi na lang umiyak?" Pinunasan ulit ni yaya Pearl ang luha ko. "...kasi kami napapagod na pakinggan ang iyak mo." Ayaw na din ba nila sa akin? Huhuhu.





"Napapagod na po kayo sa akin? Ibig sabihin po ayaw na din ninyo sa'ken....katulad ni daddy."




"H-hindi 'yun ang ibig kong sabihin..." natataranta nyang sabi. "...ang ibig kong sabihin. Hindi ka dapat lagi umiiyak kasi nag aalala lang kami sayo."





"Nag aalala?" Sang ayon nya. "K-kung ganun po hindi na po ako iiyak." Ako na mismo nag punas ng luha ko. Tama. Ayoko na bigyan sila ng problema dahil sa'ken.




-



"Baby...bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na oh?" Tiningnan ko ang nag salita, si yaya Pearl. "...at bakit ka dyan nagtatago sa may pinto?" Hindi ko sya sinagot.



My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon