Thirty-One

25.8K 464 11
                                    

Eros Pov

"Are you hungry?" Tanong nya bigla. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang totoo pinipilit ko ang sarili ko na hindi nya mapansin na kasama nya ako dito sa sasakyan nya. At alam ko naman na imposible 'yun.




"Opo..." Nakayuko kong sagot. Hindi ko kasi alam kong ano ang mangyayari ngayon sa'kin. Natatakot din ako na baka nagalit sila Nana Auring dahil sa nangyari dun sa party. Baka ayaw na nila sa'kin tapos hindi ko din alam kung ano ang inisip ni daddy ngayon.




---



Nakarating din kami sa wakas at na una akong bumaba sa kanya. Kanina pa kasi ako nagugutom pagtingin ko, nasa isang fastfood kami kakain at ito 'yung gustong gusto ko din na lugar.




"Let' s go." Sabi nya at tahimik akong sumunod. Pagpasok namin sa loob medyo madami ang mga tao. At kagaya nung nasa amusement park kami, hinawakan din nya ang kamay ko. Pero this time hindi na sya galit at hindi na naasar, hindi ko din alam kung ano ang iniisip nya.



Nag aalala lang ako na baka may nagtanong sa kanya kung ano nya ako. Natatakot ako sa sagot nya masasaktan na naman. Huhuhu.


"Good evening, Sir. What can I do for?" Tanong nung cashier. Kami na pala. Tiningnan ko lang si daddy tapos bigla syang tumingin sa'kin.




"What do you want to eat?" Tanong nya sa'kin. Hindi ako nakasagot kasi nabigla ako nung kinarga nya ako. Tapos tinuturo nya 'yung mga food sa may malaking board. Hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi nya at nakatingin parin ako sa kanya.




Halu halo 'yung nararamdaman ko. Masaya ako kasi ito 'yung isa sa mga pangarap ko na makarga nya ako. Huhuhu. Nung hindi ako sumagot sya na mismo ang nag order. Di ko na din namalayan na umiiyak na pala ako sa tuwa. Huhuhu.




"Hey, why are you crying?" Tanong nya. Tapos palinga linga sya sa paligid. At mukha syang nagpapanic dahil sa pag iyak ko. "Ito na nga kakain na tayo. Stop crying, okay?" Alo nya. Hindi naman ako naiiyak dahil sa gutom, eh. Naiiyak ako dahil masaya ako dahil sa pagkarga nya sa'kin.





"Sir, we have a free toy if you add-"





"I'll take it." Putol na sabi ni daddy sa cashier. At habang karga karga padin nya ako. Dati pangarap ko lang 'to ngayon may pakakataon akong mayakap sya. Huhuhu.





Tapos naramdaman ko na lang na naglakad na sya paalis. Nung nakarating na kami sa table namin nung binaba nya ako.





"Stop.crying." Natahimik ako nung marinig ko na naman ang tono nya na mukhang nairita sa iyak ko.


*kriiing kriiing* Yung cellphone nya.


"Yes-tell him. I am the one will call him...." Tahimik lang akong nakikinig hindi ko din naman naiintindihan ang mga sinasabi nya.


Ang tagal naman ng pagkain...nagugutom na ako. Habang nag aantay pa kami sa order namin bigla syang tumayo.



"Stay here and I will come back. I'll talk to someone..." Bilin nya sa'kin tapos umalis agad. At busy sya sa pakikipag usap sa cellphone nya. Babalik naman sya diba?



Dumating na lang 'yung order namin pero hindi padin sya dumadating. At tahimik lang akong kumakain. Mag isa. Babalik pa kaya sya? Naiiyak na naman ako kasi mag isa lang ako. 'Yung iba complete family sila, ako wala si mommy. Ayaw pa sa'kin ng daddy ko.



*sniff sniff*


Okay lang naman akong umiyak dito. Kasi nasa dulo kami at hindi kaagad mapapasin. Makhang 'yun naman talaga ang gusto nya. Diba? Ayaw nyang may makaalam ng tungkol sa'kin? Lalo na ngayon na ibinigay na nya ako sa iba.


*sniff sniff*



"I told that I will come back. Stop crying and eat." Bigla akong nagulat nung dumating sya at nagsalita bigla.



Daddy. "Opo..." Akala ko hindi na sya babalik ang tagal kasi.




"I can't contact, Aurora Dela Cruz the one who a-a...Damnit." Maya maya nyang sabi. Kaya napatingin ako sa kanya tapos hindi nya masabi 'yung huling salita. Ano ba 'yun?



"Sorry po...." Alam kong busy sya tapos dumating pa ako. At mukhang may pupuntahan pa syang ibang lugar. Pabigat lang naman ako sa kanya, eh.


"Tsk! Just eat and since I can't contact, Ms. Dela Cruz you're coming with me." Sabi nya. "Opo..." sabi ko naman.


Pero. 'Your coming with me.' Ibig sabihin? Napatingin ako sa kanya. At nakita ko sa mukha nya ang dis-gusto sa mangyayari.


"Magbe behave po ako..." sabi ko na lang. Pero ibig sabihin nun kami lang dalawa dun. At makakasama ko pa sya nang kaming dalawa lang.













My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon