Eros Pov
"Nana Auring, san po ba talaga tayo pupunta?" Kanina ko pa kasi sya tinatanong kung san kami pupunta. Pero lagi na lang syang ngumingiti.
"Malalaman mo din." Sagot nya. Mabait naman sila sa'kin eh. Pero parati kong iniisip si daddy, kung ano ang ginawa nya. At kung naaalala nya pa ba ako?
Lagi ko syang namimiss. Matagal na kasi ako dito, eh. At isa pa hindi kami laging magkasama ni tito Caleb. Lagi kong kasama si Nana Auring sa bahay.
"Nandito na tayo." Nakangiting sabi nya sa'kin habang nakatingin sya sa labas ng bintana.
Pagtingin ko labas nakita ko ang isang medyo luma at hindi gaanong kataas na bahay. At may pangalan na 'La Angela Orfanato(Orphanage)?' Bakit kami nandito?? Tapos sinalubong kami ng isang madre.
"Nana Auring, bakit po tayo nandito??" Tanong ko. Kinakabahan naman ako pano kung-
"May ipapakilala ako/kami sayo, kaya tayo nandito. At ito ay si Sister Margareth." Pag papakilala nya kay sister.
"Uhm-Hello po." Bati ko at ngumiti lang sya sa'kin.
"Sister, nasan po sya?" Maya mayang tanong ni Nana Auring kay sister.
"Ang mabuti pa pumasok muna tayo sa loob. Kanina pa kasi nya kayo hinihintay." Sister Margareth.
Habang naglalakad kami sa hallway. Nakita ko na para pala 'tong classroom. Kasi may mga bata na nagk-klase tapos sa kabila naman nagkukulitan ang iba ay nag aaral.
Naalala ko tuloy si daddy, kasi kung hindi ba sila tito Caleb ang kumukaha sa'kin? Dito ba nya ako ibibigay?
'Daddy...'
"Maiwan ko muna kayo, naghihintay sya sa loob ng kwartong iyan." Si sis. Margareth. Nasa tapat na pala kami ng isang room.
Pagbukas namin ng pinto nakita ko sa loob 'yung babaeng maganda 'yung tumulong sa'kin dati.
Nakatingin lang ako sa kanya at sya din sa'kin na nakangiti."Eros...gusto kong ipakilala sayo, ang mommy mo." M-mommy? Tapos bigla na lang tumulo ang mga luha ko. "...sya si Annya VanWalker." Tuloy na sabi nya. Gusto ko syang yakapin pero hindi ko alam kung pano. Huhuhu.
Tapos nakita ko na sumenyas sya kay Nana Auring na lumabas. Bakit ngayon lang sya nagpakilala kung pwede nya naman na sabihin sa'kin dati pa. Bakit?
"Uhm-Hi..." Nakangiti sya sa'kin tapos di napansin na nasa tapat ko na pala sya. Kitang kita ko sa mga mata nya kung gano sya kasaya na makita ako. Na, ni minsan hindi ko nakita kay daddy.
"M-mommy...miss na miss na kita." Huhuhu. Tapos niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Akala ko hindi ko na sya makikilala at makakasama. Na ayaw nya na sa'kin kaya nya ako iniwan, ngayon nandito na sya kasama ko at yakap ko.
*sniff sniff*
"I miss you too, baby." Bulong nya sa'kin. Ang ganda ng boses nya parang gusto ko laging natutulog. Tapos yakap yakap nya pa ako.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal yakap yakap ang isa't isa. Basta alam ko nakakandong na ako sa kanya at kinikiliti na nya ako.
"WAAAA-TAMA-AHAHAHAHA-NA PO-AHAHAHA!!" Sabi ko habang pinipigilan ko ang mga kamay nya. "AHAHAHAHHA~"
"Ayoko...Hahaha~ " Si mommy. Tapos inamba na naman nya ang mga daliri nya sa'kin. Akala ko kikilitiin ulit nya ako, pero bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018
General FictionDaddy, hanggang kailan mo ba ako ba-balewalain...?? Will you accept me as your son if you knew the truth?