Eight

25.3K 488 20
                                    

Eros Pov

"Yaya Pearl sa tingin mo po, pupunta si daddy sa foundation day namin?" Papunta na kami ni yaya sa school ko. Na, nandito lang din sa loob ng subdivision kung saan kami nakatira.



"Yaya?" tawag ko ulit sya. "H-ha? Hindi ko din alam sa daddy mo." sabi nya.



"Sana pumunta sya kasi first time ko din sumali sa mga programs ng school." Alam ko naman na hindi sya pupunta eh. "Sana makita man lang nya akong magpresent."



"Eros...." lumuhod si yaya sa harap ko para mag kalevel kami. "...'wag kang malungkot, nandito naman kami. Kung hindi pupunta si daddy edi kami na lang ang maging fans mo. Kaya huwag ka nang malungkot papangit ka nyan, sige ka." Tumango na lang ako.Tapos ginulo nya buhok ko. Buti na lang meron akong yaya pearl at marami pang iba.



"Nandito na pala tayo eh, susunduin na lang kita mamaya ha?" Nakarating na pala kami sa school. "Opo..." Bago pa maka alis si yaya tinawag ko ulit sya. "Bakit baby?" Sa tanong ko na'to alam ko naman na hindi nya sasagotin.



Pero gusto kong itanong baka, sa pagkakataong 'to alam na nya. Nakatingin lang sya sa akin. "Tingin nyo po ba......pag mamarami po akong maipakitang mga medals kay daddy, magiging proud po sya sa akin?"



"Sana." Yun lang ang nasabi ni yaya bago sya umalis. Sana. Oo nga sana mahalin na ako ni daddy.



---



"Goodbye class."



"Goodbye Ma'am." Bilis ng oras, uwian na.



"Bye, teacher." sabi ko. Kanya-kanya ng uwi ang mga classmates ko ang iba sinundo ng mga yaya nila, ang iba naman sinundo ng mga mommy at daddy nila. 'Mommy...Daddy...' sa isip ko.



"Eros... sino susundo sayo?" tanong ng teacher ko na medyo may katandaan na'rin. "Si yaya po." sumagot ako kay teacher na nakatungo.



Kasi di ko maiwasan na hindi mainggit sa ibang bata na nasa harap ko lang. Kasama ang mommy at daddy nila na magkasama.



"Oh, bakit malungkot ka?" tumabi na sya sa akin habang naka upo ako dito sa bench. "May hinihintay ka ba na iba?" Tanong ulit ni teacher. 'Meron po mommy at daddy ko.' Yun ang gusto kong sabihin kay teacher pero ayoko syang magtanong tungkol sa kanila.


"Hindi po ako malungkot ang, tagal po kasi ni yaya eh." 


My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon