Six

24.7K 474 13
                                    

Shin's Pov

*phone rings*

"Yes."


"Hello hijo?"

"Yeah."

"Hijo pwede ka bang makausap sandali?"


"Why?"

"Kasi may importante akong sasabihin tungkol kay Eros--"

*toot* *toot* *toot*

I'm not interested listening stories about kid. -_- 'He's your son.' The back of my mind, keeps telling that. Tsss..


Yaya Pearl's Pov



"Kasi may importante akong sasabihin tungkol kay Eros--" *toot* *toot* *toot* hayy binabaan naman nya ako nakakainis na 'yung batang 'yun, wala man lang pakialam sa anak nya. Hayy.


"O kumusta na si Eros, Sionne?" Tanong ko kay Sionne. "Pearl pasensya ka na hindi ko na bantayan si Eros kanina." saad nya. "Hayy, okay lang iyon ang importante nakaligtas sya."


Mabuti na lang may tumulong sa kanya kanina bago kasi sya mabundol ng sasakyan. May isang taong nagligtas sa kanya.


"Doc, kamusta na po iyong bata?" tanong namin sa doctor pagkalabas nya kwarto ni Eros.


"Mabuti na lang at galos lang ang natamu nya at may kunting sugat lang sya sa ulo. Kung hindi baka wala na sya ngayon, pero wag kayong mag alala okay na sya nakatulog ngayon. Mayaya pwede na syang bisitahin."



"Maraming salamat talaga doc, kung hindi ka dumating kanina ay baka nasagasaan na sya." Sionne.


Nakalimutan ko din sabihin na ang nagligtas kay Eros kaninan at ang doctor ngayon ay iisa.


"Naku wala pong anu man iyon. Haha. Sige kung may kailangan pa kayo, ipatawag nyo lang ako."

"Sige doctor maraming salamat po ulit." sabi ko sa doctor bago umalis.

"Si Shin natawagan mo na ba sya?"

"Oo pero binabaan na naman ako, wala ng bago dun lage na lang.Haist."

"Naawa na ako sa bata." Kahit ako gusto ko din sa bata kung ano talaga ang tunay na nangyari tungkol sa mga magulang nya. Pero masyado pa syang bata para malaman ang totoo, hindi nya 'rin maiintindihan.

Eros Pov

Bakit masakit ang katawan ko? At bakit ang ingay, nasan ba ako?

"Uhmm...Daddy."

'Baby? Gising ka na ba?' Kay aling Sionne ang boses na'yon. 'Pearl! Si Eros nagigising na!' Gusto kong idilat ang mga mata ko, pero bakit-

"Baby, nandito na kami gumising ka na" yaya pearl.

Ang una kong nakita na mukha ay kay aling sionne masaya at malungkot. Tapos si yaya pearl parang naluluha? Ano ba ang nangyari?

"Nasan po ako?" Bakit puro puti itong kwarto ko?

"Nandito ka sa hospital...." si aling sionne umiiyak. "...akala ko mawawala ka na.huhu."

Oo nga pala muntikan na akong masagasaan. "Ano po ang nangyari?"

"Muntikan ka nang masagasaan kanina, buti na lang at na iligtas ka nung doctor mo ngayon." yaya pearl.

"Ganun po ba...." nakatingin lang ako sa kamay ko nung may maalala ako. "....eh, si daddy po ba tinawagan nyo? Ano po ang sabi nya?"

Nagkatinginan silang dalawa sa sunod sunod kong tanong. "Kasi....binabaan nya ako eh." yaya pearl said.

'Daddy...'

"Eros...." Wala ba talaga syang pakialam sa akin? Bakit ganun? Huhu. "Eros, diba sabi ko sayo na...?"

Nakatingin sa'ken si aling sionne na para bang may dapat akong idugtong sa sasabihin nya.Tama. "Na dapat lagi akong masaya para pag nakita ako ni daddy hindi na mainit ang ulo nya sa akin."

"Tama."

"Pero....." putol ko sa sasabihin ko. "Pero ano?" tanong nila. "....pero pwede po ba, lumabas na tayo dito? Ayoko ko na po dito. At pwede din po ba na 'wag na lang natin sabihin kay daddy ang nangyari?" Ayokong magalit na naman sya sa'ken.

At tama dapat think positive ako.Tama. Sa ganung paraan baka unti unti na akong matanggap ni daddy.Hihi.

--

A/N : Sabaw haha~ : P




























My Cold Hearted Daddy (Completed) #Watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon